Isa ngayon si Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga rising love teams na pinagkakaguluhan ng mga netizens sa sikat na series na pinamagatang “He’s Into Her”, isang Wattpad series na matunog ngayon lalo na sa mga kabataan.
Credit: @donny Instagram
Apat na taon man ang pagitan nila sa isa’t-isa ay nagawa pa rin ng parehong batang artista na maghatid ng kilig sa kanilang mga manonood. Hindi naman talaga maipagkakaila na inaabangan ng karamihan ang bawat episode ng “He’s Into Her” dahil sa nag-uumapaw na chemistry ng DonBelle.
Kumakailan lamang nang muling pinakilig ni Donny at Belle o mas kilala sa kanilang fans bilang DonBelle nang nagkaroon sila ng photosh0ot upang maging cover sa Metro Magazine para sa issue ngayong buwan ng July.
Credit: @donny Instagram
Ito ang kauna-unahan nilang photosh0ot para sa isang magazine cover ng magkasama bilang opisyal na love team. Sa katotohanang first time nila sa isang photoshoot bilang on-screen partners ay hindi naman iyon halata sa kadahilanang sobrang natural nila sa isa’t-isa na siyang rason kung bakit labis na lamang ang kilig na naramdaman ng mga netizen na patuloy na sumusuporta sa kanila.
Credit: @belle_mariano Instagram
Nagkaroon din ng interview ang Metro Magazine kasama ang “bigshot” love team na DonBelle kung saan ay ibinahagi ng dalawa kung ano ang pagtingin nila sa kanilang karakter sa “He’s Into Her” series.
“I love what Direk Chad said. Love doesn’t choose. It doesn’t choose a specific age, a specific person. It happens to everyone, which is why a lot of people, even if you’re not in highschool like ‘He’s Into Her,’” sabi ng aktor nang tinanong kung ano ang pinaka-memorable na kanyang natutunan sa set.
Credit: @belle_mariano Instagram
Malaki rin ang pasasalamat ni Belle sa success ng series na siya ngayong pinakainaabangan na series sa iWantTFC.
“There was pressure at first. Syempre, kailangan naming maabot ‘yung expectations nila, and knowing that the series is somehow a bit far from the book, may pressure. I’m glad and I’m really thankful that everyone liked it. I’m really blessed to be a part of this project,” ayon kay Belle.
Credit: @donny Instagram
Dahil sa mga litratong ibinahagi ni Donny at Belle sa kani-kanilang Instagram account ay mas lalong kinilig ang kanilang mga fans at lumakas ang hinala ng iilan na mayroon ngang namamagitan sa mag-love team sa totoong buhay pero hanggang ngayon ay wala namang kumpirmasyon tungkol dito, at sinabing talagang sobrang lakas lamang ng chemistry ng DonBelle mapa on at off cam man.