Doug Kramer at Chesca Garcia, proud sa pagtatapos ng panganay na si Kendra sa grade 6

Maliban sa kagandahan, napakatalino rin ng panganay na anak ni Chesca Garcia at Doug Kramer!

Credit: @kramer.kendra Instagram

Isa sa mga kilalang pamilya sa mundo ng showbiz ang pamilyang Kramer. Maliban sa “good looks” na naipamana ng mag-asawang Doug at Chesca sa mga anak, labis din silang hinahangaan ng karamihan dahil sa napakaganda nilang pamilya.

Mapapansin at matutunghayan sa bawat vlog na ibinabahagi ng pamilyang Kramer o mas kilala bilang Team Kramer na napaka-close nila sa isa’t-isa. Dahil sa nakakatuwa at nakaka-inspire nilang vlog contents, walang duda nga naman kung bakit umabot na ngayon ng mahigit 700, 000 ang kanilang subscribers sa YouTube at patuloy pa na dumadami.

Agaw-pansin din ang kagandahan ng panganay na anak ni Chesca at Doug na si Kendra. Marami rin ang halos hindi makapaniwala sa mabilis na pagdaan ng panahon dahil ngayon, isa ng dalaga si Kendra!

Credit: @kramer.kendra Instagram

Maliban sa kagandahan, hinahangaan din si Kendra dahil sa kanyang katalinuhan. Maaalala nito lamang Agosto nang ibinahagi ng kanyang Mommy Chesca sa publiko ang magandang balita kung saan ay featured sa isang post niya sa Instagram ang essay na ginawa mismo ni Kendra.

Ayon sa proud na Mommy, essay umano ito ni Kendra para sa kanyang portfolio presentation na talaga namang umani ng atensyon dahil sa maayos nitong pagkakasulat.

“She worked hard for this and I am mighty proud of her that she was able to pull through,” kwento ni Chesca sa kanyang caption.

Credit: @dougkramer Instagram

Sa murang edad, marami ng achievements si Kendra at patuloy na pinapapabilib ang kanyang mga magulang.

Sabado, November 13 nang ibinahagi ng kanyang Daddy Doug sa Instagram ang magandang balita kung saan ay proud na proud siya sa pagtatapos ni Kendra sa elementarya at ngayo’y magha-highschool na!

Credit: @kramer.kendra Instagram

“Never too late to appreciate our kids accomplishments. Today, @kramer.kendra graduated from Grade 6 into high school!” sulat ni Doug sa kanyang caption kalakip ng isang larawan kung saan ay makikitang hawak ni Kendra ang kanyang certificate at may suot pa na medalya.

Mapapansin naman sa ngiti ni Chesca at Doug sa larawan kung gaano sila kasaya at ka-proud sa anak.

Dagdag pa ni Doug, “No amount of words are enough to describe how proud we are of our little girl.”

Credit: @kramer.kendra Instagram

Napakaganda at achiever pa, halos wala ng iba pang mahihiling ang mag-asawa sa panganay. Hindi lamang siya isang role model sa mga nakababatang kapatid na sina Scarlett at Gavin dahil nagsilbi rin siyang inspirasyon sa karamihan.

Ayon pa kay Doug, “Keep shining for God and being an example to your siblings. I love you kennykins! 😍”