Doug Kramer, bongga ang inihandang regalo para sa asawang si Chesca Garcia sa kanilang 12th wedding anniversary

Hinahangaan ang mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia dahil sa tagal ng kanilang pagsasama ay hindi pa rin kumukupas ang sweetness ng dalawa.

Credit: Doug Kramer Instagram 

Sa katunayan, para sa kanilang ika-12 taong wedding anniversary, naisipan ni Doug na surpresahin si Chesca sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang diamond ring.

Credit: Team Kramer Facebook

Sa kanyang Instagram TV nitong October 9, ipinasilip ni Doug sa lahat ang nangyaring surpresa.
Pagsisimula ni Doug, “We’ve been together since 2003, so that’s 17 years together and 12 years married.”

Credit: Team Kramer Facebook

Pagkukuwento pa ni Doug, hindi umano niya nabigyan ng magandang regalo si Chesca noong huling kaarawan nito lamang buwan ng July. Kaya naman sa kanilang ika-12 annibersaryo bilang mag-asawa ay tiniyak ni Doug na may nakahanda siyang napakagandang regalo para sa asawa.

Credit: Team Kramer Facebook

Kwento ni Doug, “But I was able to get her something special for our anniversary, and there’s a significance to it and I’m planning to put it in her rice.”

Credit: Team Kramer Facebook

Ipinakita ni Doug ang isang diamond ring na sinanitize muna niya para siguraduhing malinis ito bago niya ilagay sa kanin ni Chesca.

Credit: Team Kramer Facebook

Habang kumakain ang buo nilang pamilya, ay maririnig sa background na binati ni Doug si Chesca ng “Happy Anniversary”. At nang kumuha na ng kanin si Chesca mula sa isang mangkok, ay gulat na gulat ito nang makita ang singsing.

Credit: Team Kramer Facebook

Reaksyon ni Cheska, “Oh my gosh! Sabi ko, ‘bakit may stapler dito?’ Why did you put it on the rice? And now it’s sticky.”

Credit: Team Kramer Facebook

Agad namang saad ni Doug, “Happy Anniversary, Honey!”

Hindi naman maitago ni Chesca ang nararamdamang saya at kilig dahil sa sorpresa ng kanyang asawa.

Ani Chesca, “Wow! Thank you, baby!”

Credit: Team Kramer Facebook

Agad namang pinasuri ni Doug kay Chesca ang desenyo ng singsing.

Mabilis naman na napagtanto ni Chesca ang kahulugan ng bawat diamond na nakalagay sa singsing.
“Three [diamonds]? Kendra, Scarlett and Gavin. And is this 12 diamonds? For twelve years,” ani Chesca.

Credit: Team Kramer Facebook

Maliban sa mga diamond, may nakaukit din na petsa sa singsing.

Nagpasalamat naman si Chesca at sinabing, “I love it, always and forever!”

Credit: Doug Kramer Instagram

Ikwenento rin ni Doug na hindi lang ito ang unang pagkakataon na binigyan niya si Chesca ng singsing bilang regalo sa kanilang anniversary. Sa kanilang ika-10 at ika-11 taong wedding anniversary kasi ay binigyan din ni Doug ng singsing si Chesca.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Samantala, sa isang hiwalay na Instagram post ay aminado si Doug na kahit matagal na silang magkasama ni Chesca ay may ilang bagay pa rin siyang hindi nalalaman tungkol sa asawa.

Ani Doug, “17 yrs together, 12th year wedding anniversary today! I’ve been with you close to half my life, but I still feel like there’s so much more to uncover! Our adventure continues honey! I love you more than ever baby girl! ❤️❤️❤️”