Doug Kramer, pinatunayan kung gaano sila kahawig ng panganay niyang anak na si Kendra

Kapag good-looking ang parents ay tiyak na maganda at gwapo rin ang kanilang mga anak at kadalasan, kombinasyon talaga ng kanilang beauty ang namamana natin ngunit tila’y mga pagkakataon talaga na mas nangingibabaw ang genes ng isa sa kanila katulad na lamang ni Doug Kramer na tinapos na ang matagal na debate nila ni Chesca Garcia tungkol sa kung sino nga ba talaga ang kamukha ng kanilang panganay na anak na si Kendra.

Credit: @dougkramer Instagram

Isa ang Team Kramer sa mga kilalang pamilya sa mundo ng showbiz. Simula pa man ng kanilang kabataan days, kilala na talaga si Chesca Garcia bilang isa sa mga sikat na aktres at modelo habang nakabuo naman ng sariling pangalan si Doug Kramer sa larangan ng basketball. Dulot ng kanilang tinatamasang kasikatan, exposed din sa publiko ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin na tulad ng kanilang parents ay hinahangaan ng karamihan dahil sa kanilang looks.

Pare-parehong adorable ang tatlong mga anak ng couple ngunit kakaiba talaga ang breathtaking na beauty ng kanilang panganay na si Kendra. Mula pa man noong siya’y bata pa lamang, kapansin-pansin na talaga ang taglay na kagandahan ni Kendra at ngayong dalaga na, mas lalo lamang na lumilitaw ang kanyang natural na beauty at mas nade-define na rin ngayon ang kanyang magandang pangangatawan. Sa katunayan, madalas pa nga siyang ipinaghahambing kay Miss Universe 2018 na si Catriona Gray dahilan kung bakit marami ang nagsasabi na sobrang laki ng potential ni Kendra sa mundo ng pageantry.

Credit: @dougkramer Instagram

Sa kabila ng atensyon at papuring natatanggap ni Kendra mula sa netizens, madalas naman na nagde-debate si Chesca at Doug tungkol sa kung sino umano ang kamukha ng kanilang eldest na anak kung saan ay matatandaang umabot pa nga sila sa pagyayabangan sa pagsabak sa face unlock ng phone ni Kendra kung saan ay si Doug ang nagwagi.

Ngunit hindi lamang dito natatapos ang bangayan ng couple dahil nakahanap lang naman si Doug ng panibago at mas matibay na ebidensya na kamukha niya talaga si Kendra na ibinida niya sa publiko kumakailan lamang.

Credit: @dougkramer Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Doug sa Instagram, makikitang magkatabi ang larawan ni Kendra at ang kanyang dating larawan noong siya’y 13 anyos pa lamang kung saan ay pareho silang nakasuot ng eyeglasses.

“13 and 13! 😂 Doug AND Dougita 😂,” sulat ni Doug sa kanyang caption.

Credit: @dougkramer Instagram

Dahil sa uncanny na resemblance ng mag-ama, talagang kaagad na napa-agree ang kapwa niya celebrities at fans dahil hindi naman kasi maipagkakaila na carbon copy ni Doug ang anak.