Masarap naman talaga sa pandinig at pakiramdam kapag nakakatanggap tayo ng mga pagbati sa araw ng ating kapanganakan ngunit para kay Dr. Vicki Belo, ang katagang “Happy Birthday” ang talagang ayaw na ayaw niyang marinig sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan.
Credit: @victoria_belo Instagram
Dahil sa kahusayan ni Dr. Vicki Belo bilang isang dermatologist, talagang sikat siya sa mundo ng showbiz dahil hindi lamang kagandahan ang kanyang nabibigay sa mga taong lumalapit sa kanya dahil hinahaplos din niya ang bawat puso ng mga ito.
Maliban sa kanyang tinatamong kasikatan, kilala rin si Dr. Belo sa kanyang kabaitan ngunit sa likod ng pagiging busilak ng kanyang puso, dala-dala niya hanggang ngayon ang masalimuot niyang nakaraan.
Madalas na nakikita ng karamihan si Dr. Belo na palaging nakangiti at masaya sa harap ng kamera ngunit sa interview nila ni Ogie Diaz noong Miyerkules, December 1, binalikan niya ang isa sa mga madilim niyang karanasan na hinding-hindi umano niya simpleng maibabaon sa limot.
Credit: @victoria_belo Instagram
Isang “adopted child” si Dr. Belo at kahit na’y masayang lumaki sa piling ng kinikilalang mga magulang, hindi pa rin niya lubos maisip kung paano siya basta-bastang ipinamigay ng totoo niyang nanay sa iba.
Hindi naman napigilan ni Dr. Belo ang maging emosyonal nang isinalaysay kay Ogie na simula nang siya’y nasa sinapupunan pa lamang ng tunay niyang nanay, ipinangako na siyang ipapaampon dahil lamang ipinanganak siya bilang isang babae kaya naman nang lumaki, naging competitive siya sa mga lalaki.
Credit: @victoria_belo Instagram
Dahil sa kanyang karanasan, naisip ni Dr. Belo na hindi siya sapat para bigyan at makatanggap ng pagmamahal kaya naman taliwas sa masayang pakiramdam ng karamihan sa tuwing sumasapit ang kanilang birthday, nagbabalik lamang ang masalimuot niyang karanasan na ipinamigay siya ng totoo niyang mga magulang sa mismong araw ng kanyang kapanganakan.
Credit: @victoria_belo Instagram
“‘Nung pinanganak ako, never ako hinawakan ng nanay ko. In my head, parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na so when I think of that since I had so many issues about adoption, about not being good enough, about not being lovable, I don’t like to be greeted,” naluluhang sabi ni Dr. Belo.
Dagdag pa niya, “The best gift you can give me is not to greet me”.
Kung para sa iba’y weird ito bilang isang regalo, para naman kay Dr. Belo, ito ang pinakamagandang magagawa ng isang tao sa kanyang birthday.
Credit: @victoria_belo Instagram
Ngayon ay nagsisilbi siyang inspirasyon sa mga katulad niyang minsan na ring kinuwestiyon ang worth nila bilang isang tao na karapat-dapat ng pagmamahal.
Talagang may masakit na kwento sa ating buhay na kailanman ay hindi basta bastang maibubura ng kung anuman, pero andyan sila upang bigyan tayo ng aral at magpatuloy sa buhay katulad ng naging buhay ni Dr. Vicki Belo.