Kakaibang kilig at saya ang inihatid sa manonood ng bagong drama anthology ng Kapuso network na “I Can See You: Love On The Balcony” na pinagbibidahan nina Kapuso actors Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Tampok sa serye ang nakakakilig na kwento ni Leah Carbonel na ginagampanan ni Jasmine, isang nurse na nag-aadjust pa rin sa kanyang buhay at trabaho ngayong “new normal” sa tulong ng kanyang gwapo at charming na kapitbahay na si Iñigo Mapa, na ginagampanan naman ni Alden.

Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Alden at Jasmine sa telebisyon. Gayunpaman, hindi binigo ng dalawa ang kanilang mga tagahanga dahil sa galing ng kanilang pagganap sa kanya-kanya nilang karakter. Hindi naman maipagkakaila na may ‘chemistry’ ang tambalan nina Alden at Jasmine na nagpakilig at nagpasaya sa manonood.

Sa katunayan, nag-trending sa social media ang pilot episode ng kanilang week-long romantic drama-comedy serye.

Sa Twitter, ay nag-top 1 sa trending topics sa buong Pilipinas ang “#ICSYLoveOnTheBalcony”. Nag-rank din ito ng ika-23 sa worldwide trending topic sa nasabing social media application.

Narito ang ilan sa mga ibinahaging ‘tweet’ ng netizens tungkol sa serye.
“So refreshing to see Jas in a romcom. Never knew she could do comedy. Galing!”
“Getting to know each other at a time like this is really difficult. How will Iñigo and Lea cope with this situation? Will circumstance hinder them from getting to know each other? @aldenrichards02”

“3:17 am na dito samin. Pero worth it ang walang tulog kasi ang ganda ng #ICSYLoveOnTheBalcony!!!”
“That was a great episode. Light lang pero established na yung character traits ni Lea and Iñigo. Excited to see how it all unfolds! ALDEN_LoveOnTheBalcony #ICSYLoveOnTheBalcony”

“A new take on long distance relationship. Ang cute nyo ano baaa @aldenrichards02”
“#ICSYLoveOnTheBalcony is giving us what we need now. A break from bad news and having a good laugh.”

Nagsimulang umere ang unang episode ng “I Can See You: Love On The Balcony” noong September 28 na napanood hanggang October 2.
Maliban kina Alden at Jasmine, mapapanood din sa serye sina Pancho Magno, Denise Barbacena at Shyr Valdez.

Panoorin ang episode one ng week seryeng I Can See You: Love in the Balcony dito: