“Dream House” na ipinapatayo ni Ryzza Mae Dizon sa Pampanga, ipinasilip na niya sa publiko!

Walang tigil sa pagkamit ng mga pangarap ang batang aktres na si Ryzza Mae Dizon dahilan kung bakit kaagad niyang nabihag ang puso ng netizens.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Sino nga ba naman ang mag-aakalang isa si Ryzza Mae sa mga young star na kinikilala ngayon ng karamihan dahil sa kanilang tinatamasang kasikatan?

Sa lahat ng batang sumali at nagpamalas ng kanilang talento sa “Little Miss Philippines” ng sikat na noontime show na Eat Bulaga, nagawa niyang mabihag ang buong atensyon ng lahat dahil sa kanyang kahusayan at abilidad na magbigay ng kasiyahan at katatawanan. Dahil sa magandang katangian at ubod na cuteness ni Ryzza Mae, siya ang nanalo sa nasabing competition at nagsimulang sumikat noong taong 2012.

Simula nang pinasok ang industriya ng showbiz sa napakamurang edad, marami nang natanggap na opportunities si Ryzza Mae katulad na lamang nang isa siya sa mga batang bumida sa “Torky and my Little Bossing,” “My Big Bossing” at marami pang iba kung saan ay nakasama niya ang iilang malalaking stars sa showbiz.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Patuloy ngayon sa pagsikat, hindi naman nauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng young star dahil natulungan niya ang kanyang mga magulang at ang mga kapatid sa kanilang pag-aaral, at marami na ring naiupundar katulad na lamang ng bahay.

Matapos ang ilang taong pananatili sa industriya, may panibagong achievement na naman si Ryzza Mae at ito ay ang pagpapatayo niya ng kanyang “dream house” na matagal na umano niyang pinapangarap.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Sa Pampanga ipinatayo ni Ryzza Mae ang kanyang “dream house” kung saan ay kitang-kita ang napakagandang Mount Arayat malapit sa kanilang napiling lugar. Isa ito sa mga achievement ng young star kaya naman mula sa pagpapagawa ng bahay hanggang sa ito’y matapos, gusto niyang i-document ang lahat at ipasilip sa kanyang fans.

Huwebes, December 2 nang nagbahagi ng maikling vlog ang batang aktres sa kanyang YouTube channel kung saan ay matutunghayan ang improvement ng kanyang “dream house”. Medyo matatagalan pa man bago ito matapos, halos hindi na naman makapaghintay pa si Ryzza Mae na masilayan na rin sa wakas ang matagal na niyang pinapangarap na bahay.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Hindi naman napigilan ng fans na ma-touch sa pagiging mabait na bata ni Ryzza Mae dahil kahit na’y 16 taong gulang pa lamang, punong-puno na siya ng mga pangarap na unti-unti naman niyang natutupad.

Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, nagawa ni Ryzza Mae na gawing posible para sa kanyang edad na makamit ang lahat ng pinapangarap para sa sarili at para sa pamilya. Talaga namang nakakahanga!