Drew Arellano, ibinahagi ang isa sa malaki at relatable niyang struggle bilang isang magulang ngayong nasa 40s na siya!

Hindi talaga natin tuluyang naiintindihan ang pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang mga anak dahil wala lang naman silang inuurungan upang mapaligaya lamang ang mga ito pero tila’y napasobra naman yata ang celebrity Daddy na si Drew Arellano dahil kapalit lang naman sa kasiyahan ng mga anak ay ang masakit na paalalang hindi na pala bumabata ang kanyang katawan.

Credit:Β @drewarellano Instagram

Sa ating pagtanda, unti-unti na rin nating nararanasan ang deterioration ng ating katawan kaya marami talaga ang sumasabak sa workout upang mapanatiling fit at healthy ang body pero tila’y wala pa rin talaga tayong takas sa mga problemang kaakibat ng katandaan at ito ay ang panghihina ng ating mga buto at kasukasuan katulad na lamang ng “Biyahe Ni Drew” host na si Drew Arellano na pumalya lang naman sa pagsayaw niya ng “Savage Love” dahil sa biglaang pagsakit ng kanyang bewang.

Sa ibinahaging video ni Drew sa Instagram nito lamang Linggo, mapapanood ang pagsabak niya sa dance challenge na “Savage Love” pero sa hindi pag-aakala ng karamihan, hindi lang pala ordinaryong sayawan ang mangyayari dahil ibinahagi niya ang isa sa matinding struggles na kadalasang nararanasan ng kapwa niya parents at ito ay ang biglaang pagkabali ng kanyang bewang sa kalagitnaan ng pagsayaw.

Credit:Β @drewarellano Instagram

Bago pa man magsimula sa pagsayaw, mapapansing astig at nag-uumapaw pa ng confidence si Drew pero nang nagsimula na siyang sumayaw, kaagad na nagbago ang kanyang reaksyon dahil sa nararamdamang hapdi dulot ng pagkakabali ng kanyang bewang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)

Ayon nga sa karamihan, isang effective na activity ang pagsayaw dahil maliban sa kakaibang kasiyahan na naibibigay nito, wala rin itong pinipiling edad basta ba’t bata at heart pero tila’y hindi naman ito ang naging sitwasyon ni Drew dahil sa expense ng pagpapasaya niya sa kanyang mga chikiting, ramdam na ramdam naman niya ang sakit sa pagkakabali ng kanyang bewang.

“Sometimes i forget im not 33 anymore.πŸ˜‚,” pabirong saad ni Drew sa kanyang caption.

Sa relatable na content na ito ni Drew, kaagad talaga itong bumenta sa karamihan, lalong-lalo na sa kapwa niya parents dahil isa umano ito sa mga insidenteng madalas nilang nararanasan.

Credit:Β @drewarellano Instagram

“πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ I feel you Sir Drew 😩”

“Me too, I forget that I’m a senior citizen and overdo thingsπŸ˜‚”

“Crispy hips! πŸ˜‚”

Tagos man sa buto ang sakit na nararamdaman, naisakatuparan naman ni Daddy Drew ang goal niyang mapasaya ang kanyang mga chikiting. Tunay nga na kahit masakit sa part ng isang magulang, kaagad naman itong kumukupas kapag nakikita ang kasiyahan sa mukha ng mga anak kaya ‘di bale na’t nabalian ng buto, panalo naman sa kanila!