Hindi natin maitatanggi na binago ng p@ndemya ang ating buhay sa iba’t ibang paraan. Tunay tayong nabigla at hindi nakapaghanda nang bigla itong dumating sa ating buhay. Gayunman, mahigit isang taon na rin ang nakalipas mula nang magsimula ang p@ndemya at dahan-dahan na tayong nakakapag-adjust at natututong mabuhay sa araw-araw sa ilalim ng “new normal”.
Credit: @drewarellano Instagram
Bawat sektor ng lipunan ay naapektuhan ng p@ndemya. Ang industriya ng pagbabalita ay isa lamang sa maraming industriya na lubhang naapektuhan ng p@ndemya at maraming mamamahayag ang kinailangang mag-adjust sa “new normal” ng paghahatid ng mga balita.
Bilang pagtupad sa mga safety prot0col, nilimitahan ang mga staff na pwede sa loob ng isang newsroom at isinasagawa naman ngayon online ang mga press conference at panayam. Maraming reporters din ang naghahatid ng balita mula sa kanilang tahanan.
Credit: @drewarellano Instagram
At isa lamang ang asawa ni TV host Drew Arellano na si Iya Villania sa mga naghahatid ng balita mula sa kanilang tahanan o sa “Casa Arellano”.
At ngayong work-from-home muna si Iya ay iba’t ibang diskarte ang kanyang ginagawa para maihatid niya nang maayos at maging presentable siya habang naghahatid ng mga latest showbiz balita sa segment ng “24 Oras” na Chika Minute.
Samantala, kamakailan lamang ay nag-viral si Iya matapos i-reveal ni Drew ang behind-the-scene outfit niya habang nagrereport ng live para sa Chika Minute.
Ipinost ni Drew sa kanyang Instagram stories ang ilang larawan ni Iya habang nagrereport.
Credit: @drewarellano Instagram
Ang unang larawan ay may caption na “what you see” kung saan makikita si Iya na pormal, presentable at napakaganda habang nakaharap sa camera at nagrereport. Dahil half-body lamang ang nakukuha sa camera, kaya palaisipan sa lahat ang kabuuang outfit ni Iya.
Ngunit sa pangalawang larawan na inupload ni Drew na may caption na “what you don’t see” ay dito na nabunyag ang kabuuang outfit ni Iya na talaga namang kinaaliwan ng maraming netizens.
Habang nagrereport kasi Iya ay suot niya ang isang pink crop-top polo bilang pang-itaas na damit at ang kanyang pang-ibaba naman ay isa lamang casual at tila pambahay na floral shorts. Kinumpleto ni Iya ang kanyang outfit sa kanyang suot na isang pares ng tsinelas habang live na nagrereport.
Credit: @drewarellano Instagram
“My wife is always ahead of the fashion curve!” sabi pa ni Drew.
Marami naman ang naka-relate kay Iya. Sa panahon ngayon ay talagang todo-diskarte tayo para lang makapagtrabaho para sa ating pamilya. Hindi na natin alintana kung ano ang outfit natin dahil kalahati o minsan mukha na lamang natin ang nakikita sa camera dahil lahat ay ginagawa naman ngayon online. Halimbawa lamang ang naging diskarte ni Iya sa mga ginagawa nating effort para patuloy pa rin ang paghahatid niya ng balita sa mga manonood.