Maraming Dabarkads ang napapasaya ni Baeby Baste tuwing nagho-host siya sa Eat Bulaga. Ngunit mula nang ipagbawal ang paglabas ng mga bata dahil sa p@ndemya ay huminto muna pansamantala sa pagho-host si Baeby Baste sa longest running noontime show sa bansa.
Credit: @iambaebybaste Instagram
Mula rin nang huminto siya sa pagtatrabaho noong nakaraang taon ay hindi na nakakasama ni Baeby Baste ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga tulad na lamang ni Bossing Vic Sotto.
Kaya naman hindi na napigilan ni Baeby Baste na maging emosyonal matapos niyang maka-videocall si Bossing Vic.
Ibinahagi ni Baeby Baste sa kanyang Instagram account ang mga screenshot ng videocall nila ni Bossing Vic.
Credit: @iambaebybaste Instagram
Tumulo nga ang luha ni Baeby Baste habang nagkukumustahan sila ni Bossing Vic. At maliban kay Bossing Vic, nakausap din ni Baeby Baste ang mag-ina nito na sina Pauleen Luna at Baby Tali.
“‘Yung naiiyak ka dahil miss mo [na] sila ng sobra lalo po si Bossing,” ani Baeby Baste sa caption ng kanyang Instagram post.
Credit: @iambaebybaste Instagram
Mukhang maging si Bossing Vic ay nami-miss na rin ang pinakabatang host ng Eat Bulaga dahil bakas sa mukha nito na masayang-masaya siya na makita at makausap ito kahit sa pamamagitan lamang ng isang videocall.
Sa comment section ng Instagram post ni Baeby Baste ay bumuhos naman ang mga komento ng kanyang mga tagahanga na nalungkot din sa kanyang sitwasyon.
Credit: @iambaebybaste Instagram
Mensahe nila para kay Baeby Baste na huwag na itong malungkot dahil sa tamang panahon ay makakabalik din siya sa Eat Bulaga at makakasama ang mga co-host niya na itinuturing na rin niyang pamilya.
Maging ang mga tagahanga ni Baeby Baste ay nami-miss na rin siya at hindi na sila makapaghintay na mapanood muli ito sa Eat Bulaga. Anila:
Credit: @iambaebybaste Instagram
“miss mo na magwork ulet sa EB? oks lang yan! makakabalik ka pa rin sa tamang panahon. p@ndemic pa kasi eh.”
“OMG wag na mag cry Dong kc in Gods time you can see bossing pauleen tali bff Alden at all dabarkads konting tiis nalang baste stay safe and healthy”
Credit: @iambaebybaste Instagram
“We misssss you too baste…this p@ndemic will end soon just pray to God ok…see you soon”
“nakakaiyak k naman Bash naiiyak ko sayo miss you”
View this post on Instagram
Si Baeby Baste o Sebastian Benedict Granfron Arumpac ay tatlong taong gulang pa lamang nang magsimula siyang maging host ng Eat Bulaga.
Simula nang madiskubre siya noong 2015 ay naging regular host na siya ng Eat Bulaga kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa pagho-host at pagpapatawa.