Eksena ni Jean Garcia na sumasayaw habang umiiyak sa drama series na “The Half Sisters”, umani ng paghanga mula sa netizens!

Maraming beses nang pinabilib ni veteran actress Jean Garcia ang mga manonood dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga teleserye at pelikulang kanyang pinagbibidahan. Ngunit isa sa mga acting scene na talagang tumatak sa lahat ay ang nakakabilib na pag-arte niya sa Kapuso drama series na “The Half Sisters” kung saan ay mapapanood siyang sumasayaw habang umiiyak.

Credit: GMANetwork YouTube

Muling naging sentro ng usap-usapan ang mahusay na pag-arte ni Jean matapos i-repost ng isang netizen na nagngangalang Matthew Profeta noong March 19 sa kanyang TikTok account ang nasabing video ng pagsasayaw niya habang umiiyak mula sa “The Half Sisters”.

Credit: GMANetwork YouTube

Ang “The Half Sisters” ay nagsimulang umere noong June 2014 at nagtapos noong January 2016. Nag-viral muli ang eksena matapos i-repost ng netizen ang video bilang tugon niya sa tanong ng isa pang TikTok user na: “What’s an acting performance that was SO GOOD you forgot it was acting??”

Sa viral scene ay ka-eksena ni Jean ang aktres na si Thea Tolentino. Gumaganap si Jean bilang si Rina, ina ni Ashley na ginagampanan naman ni Thea sa drama series. Ang nasabing eksena nilang mag-ina ay umaapaw sa emosyon at drama dahil hin0stage sila ng mga hindi kilalang lalaki.

Mapapanood sa video na kausap sa cellphone ni Rina ang lalaking nang-hostage sa kanila. Maraming bagay nga na ipinagawa ang h0stage-taker sa kanilang mag-ina at kabilang dito ang pasayawin sila habang umiiyak.

Credit: GMANetwork YouTube

“At dahil makulit kayo, sumayaw kayo,” utos ng lalaki na kausap ni Rina.

Tila naguluhan naman si Rina sa utos ng lalaki kaya tinanong niya ito kung bakit sila nito pinapasayaw. Wala namang nagawa si Rina kung hindi sumunod sa utos ng lalaki lalo nang makita niya ang laser ng sn!per na nakatutok sa kanyang anak. Kaya naman habang umiiyak ay sumayaw sila ni Ashley.

Samantala, kahit marami ang natawa sa nasabing eksena nina Jean at Thea sa serye ay hindi naman mapigilan ng netizens na purihin ang mahusay na pag-arte nilang dalawa. Komento ng ilang netizens, hindi madaling umiyak habang sumasayaw.

Credit: GMANetwork YouTube

“It takes Jean Garcia level of acting to pull this scene off and still have your dignity intact.”

“Nice Act. 2 emotion in one scene. hirap yan ah yung dramatic ang scene pero nakakatawa yung pinapagawa. Good job.”

“Matatawa ka pero ang galing nila talaga umarte”

Sa ngayon, mayroon nang higit 100K views ang ipinost na video ni Matthew sa kanyang TikTok account.