Kung ang akala ng karamihan ay tanging wedding lamang ang nagse-secure sa relasyon ng couple, pinatunayan ni Elisse Joson na tunay na pagmamahal at kasiguraduhan sa isa’t-isa ang daan patungo sa forever.
Credit: @elissejosonn Instagram
Isa lamang si Elisse Joson at McCoy De Leon sa mga loveteam na naging magkasintahan sa totoong buhay. Bagama’t marami man ang couples sa showbiz na nagkakahiwalay marahil sa kanilang busy na schedule o hindi kaya’y dahil sa kani-kanilang personal na issue, nananatili namang matatag ang relasyon ng McLisse sa paglipas ng maraming taon.
Mula sa pagiging housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother, pagiging loveteam, at naging magkasintahan sa totoong buhay, sino nga ba ang mag-aakala na magkasama rin sila sa pagbuo ng isang pamilya?
Katulad ng ibang relationship, hindi rin naging smooth ang kanilang pagsasama ngunit imbes na maghiwalay ng tuluyan, mas pinili ni Elisse at McCoy na lagpasan ang lahat ng pagsubok nang magkasama hanggang nagbunga nga ang kanilang pagmamahalan sa pagdating ni baby Felize sa kanilang buhay.
Credit: @elissejosonn Instagram
At dahil may anak na, marami ang nag-uudyok sa couple na magpakasal ngunit taliwas sa paniniwalang ito ng karamihan, ibinahagi ng aktres sa mediacon ng “Goodbye Girl” kumakailan lamang ang kanyang opinyon ukol dito.
Inamin ng aktres na hindi siya nakakaramdam ng pressure at sinabing contented siya sa kung ano man ang estado ng relasyon nila ng partner na si McCoy.
“You know, hindi natin dapat minamadali ang mga bagay bagay and everybody has a different timeline. Ngayon, it just so happens na nauna si Felize so I think we have so much things to deal with first,” ayon kay Elisse.
Credit: @elissejosonn Instagram
Dagdag pa niya, “Baptism ni Felize, inaayos pa lang ngayon because of the pandemic and the situation. Birthday pa niya.”
Ngayon na may anak na sila ni McCoy, talagang inuuna ng couple ang mga pangangailangan ni baby Felize at naniniwala naman si Elisse na may tamang panahon din para sa kanilang kasal.
“We’re going to get there and alam naman namin na we’re for each other already so, we just have to take our time and it’s going to happen,” aniya.
Credit: @elissejosonn Instagram
Maliban sa pagbabahagi ng 26 taong gulang na aktres tunglkol sa dahilan kung bakit hindi sila nagmamadali ni McCoy na maikasal sa isa’t-isa, ibinunyag din ni Elisse ang kanyang ‘dream wedding’ na gusto niyang mangyari sa beach ngunit nais din niyang maikasal sa church. Mukhang magiging doble ang wedding ng McLisse!