Elisse Joson, naging emosyonal matapos mapanood ang sweet video message na inihanda ni McCoy de Leon para sa kanyang kaarawan

Nakatanggap ng isang espesyal na regalo ang aktres na si Elisse Joson mula sa kanyang nobyo na si McCoy de Leon sa kanyang ika-25 taong kaarawan nitong January 6.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Elisse ang isang video kung saan ay mapapanood ang inihandang regalo ni McCoy para sa kanyang kaarawan.

Credit: Elisse Joson Instagram   

Laman ng video ang mga birthday message ng mga kaibigan ni Elisse na kinuha ni McCoy at inilagay sa isang video.

Habang pinapanood ni Elisse ang mga birthday message ng kanyang mga kaibigan ay hindi naman niya mapigilang maging emosyonal.

Credit: Elisse Joson Instagram

Si Sue Ramirez, ang magkasintahang Enzo Piñeda at Michelle Vito at ang aktres na si Sofia Andres ay ilan lamang sa mga celebrity friend ni Elisse na bumati sa kanya.

Bumuhos naman ang luha ni Elisse matapos mapanood ang video message ni McCoy para sa kanya.

Ani McCoy, “Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano lang talaga ‘yung nasa loob ng puso ko ang sasabihin ko. Marami kaming nagmamahal sa iyo. Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa iyo. I love you so much, I love you. I love you.”

Credit: McCoy De Leon Instagram

Sa caption ng kanyang Instagram post ay sinabi ni Elisse na labis siyang napasaya ng regalo ni McCoy para sa kanyang kaarawan.

Ani Elisse, “A happy birthday. I wasn’t gonna post this but it really made my day. A meaningful birthday gift from miles away. (Iyakin talaga ako pero tears of joy 😂)”

Credit: McCoy De Leon Instagram

Pinasalamatan din ni Elisse ang kanyang mga kaibigan.

“Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na naging parte ng video na to. It really means a lot seeing your greetings. Mahal ko kayo,” pahayag ni Elisse.

Siyempre special mention si McCoy sa kanyang Instagram post na siyang naghanda ng video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Ani Elisse, “and of course to u, @mccoydeleon Thank you for singing to me, for getting my friends’ messages together, and for making me the happiest today.”

Sina Elisse at McCoy ay napabalitang nagkabalikan noong August 2020.

Credit: Elisse Joson Instagram

Matatandaang taong 2018 nang ibinalita ni Elisse na hiwalay na sila ni McCoy na una niyang nakilala nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” season noong 2016.