Ellen Adarna at anak na si Elias Modesto, nagbakasyon kasama ang pamilya ng kanyang fiance na si Derek Ramsay

Pinusuan ng maraming netizens ang mga larawan na ipinost ng s3xy actress na si Ellen Adarna na kinunan mula sa kanilang masayang family vacation sa Bagac, Bataan.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Makikita sa mga larawan na enjoy sa kanilang bakasyon si Ellen kasama ang nobyo na si Kapuso hunk actor Derek Ramsay at ang pamilya nito.

Hindi naman siyempre mawawala sa kanilang ‘family adventure’ ang unico hijo ni Ellen na si Elias Modesto. Para sa mga hindi nakakaalam, si Elias ay anak ni Ellen sa kanyang dating partner na si John Lloyd Cruz.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Mukhang nakagawian na nga ng celebrity couple na magbakasyon at mag-unwind kasama ang kanilang pamilya. Sa pagkakataong ito, nagtungo naman sila sa isang resort sa Bataan.

Enjoy na enjoy sa paglilibot at pagtingin sa mga magagandang tanawin sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort ang pamilya ng celebrity couple.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Kasama rin nilang nagbakasyon ang mga magulang ni Derek na sina Remedios at Derek Arthur Ramsay Sr. at ilan pang kapamilya ng Kapuso actor.

Kapansin-pansin namang labis na nag-enjoy sa kanilang family adventure si Elias.

Sa isang larawan, makikita na masayang nakikipaglaro sa isang deer o usa ang 3-taong gulang na anak nina Ellen at John Lloyd. Walang takot pang hinawakan ni Elias ang nasabing hayop na isa sa mga makikita sa resort na kanilang pinuntahan.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Nauna nang ibinahagi ni Ellen noong August 31 ang video ni Elias kung saan ay mapapanood ang bibong pagsasayaw nito sa resort suot ang isang cute terno outfit!

Hindi rin pinalampas ni Derek ang pagkakataon na maka-‘date’ at masolo muna ang kanyang soon-to-be-wife.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Derek ang ilang sweet photos nila ni Ellen habang namamasyal sa resort. Talagang sinusulit ang kanilang adventure base sa kanilang mga larawan.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na engaged na sina Ellen at Derek. Matatandaang inanunsyo nila ang kanilang engagement Marso ngayong taon.

Marami naman ang nagulat sa kanilang engagement lalo pa’t dalawang buwan pa lamang ang makalipas mula nang pumasok sila sa isang relasyon.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang mga detalye na ibinabahagi sina Ellen at Derek tungkol sa kanilang kasal.