Ellen Adarna at anak nitong si Elias Modesto, nakatanggap ng “Gretchen Love Box” mula kay Gretchen Barretto

Isang malaking sana all para kay Ellen Adarna ang makatanggap ng “Gretchen Love Box” galing sa dating aktres na si Gretchen Barretto.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Kumakailan lamang nang nagbahagi ng tulong si Gretchen sa kapwa celebrities at ilang miyembro ng press. Isa itong napakalaking tulong lalo na’t pahirapan ang makakuha ng trabaho o maging bahagi sa isang proyekto sa showbiz ngayon.

Nagsilbi din ang kanyang “Gretchen Love Box” bilang isang maagang pamasko para sa mga kaibigan ni La Greta sa industriya.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Isa na nga sa mga celebrity na nakatanggap ng “Gretchen Love Box” o kung tawagin ni Lolit Solis, isang beteranang columnist, bilang “ayuda” ay ang aktres na si Ellen Adarna at ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Nang matanggap ni Ellen ang package mula kay Gretchen ay labis ang naramdamang tuwa at pasasalamat ni Ellen.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Ibinahagi ng aktres ang mga larawan ng “Gretchen Love Box” at ang maikling video na ipinost niya sa kanyang Instagram story kung saan ay makikitang excited na binubuksan ng kanyang anak na si baby Elias Modesto ang package na ipinadala ni Gretchen na punong-puno ng imported na chocolates, biscuits, mga delata, at marami pang iba.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Ayon sa fiancée ni Derek Ramsay, nang nakatanggap umano siya ng “Gretchen Love Box,” kaagad daw niyang naramdaman ang papalapit na pasko at naalala ang tunay na diwa nito— ang pagbibigay tulong, pagbibigayan, at pagtutulungan.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“Thank you! BER Month na talaga!!! PasQ vibes from @gretchenbarretto,” pahayag ng pagpapasalamat ni Ellen.

Maliban kay Ellen Adarna, isa rin si Lolit Solis sa mga taong nakatanggap ng “ayuda” galing kay Gretchen Barreto. Dahil dito, labis ang papuri ng beteranang columnist sa dating aktres.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“Incomparable, unforgettable, remarkable talaga. Ito talaga ang pinaka brightest moment ni Gretchen Barretto. A big bow to you Gretchen,” papuri ni Lolit kay Gretchen.

Matagal namang hindi napapanood habang umaarte sa telebisyon, nananatili pa ring maningning ang pangalan at reputasyon ni Gretchen sa industriya ng showbiz.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Bukod kay Ellen ay nakatanggap din ng “Gretchen Love Box” sila Candy Pangilinan, Nadine Samonte at marami pang iba.