Ellen Adarna at Derek Ramsay, ibinida ang kanilang intense na beach pose!

Ilang araw pa man bago ang Valentine’s Day, ramdam na ramdam na ni Ellen Adarna at Derek Ramsay ang romance na hatid ng buwan ng February!

Credit:Β @maria_elena_adarna Instagram

Simula nang opisyal na inanunsyo sa publiko ang kanilang relationship noong Pebrero 2021, talagang sinusubaybayan na ng publiko ang couple at mula noon ay halos hindi na sila mapaghiwalay sa isa’t-isa. Kaya naman halos marami ang hindi makapaniwala sa napakabilis na paglipas ng panahon dahil kumakailan lamang nang ipinagdiwang ni Ellen at Derek ang kanilang unang anniversary.

Sa special na okasyong ito, napagdesisyunan ng couple na ipagdiwang ito sa Sirom Beach House sa Pangasinan kung saan ay sobrang nag-enjoy sila kasama ang kanilang pamilya at iilang kaibigan sa pagswi-swimming at pagsabak sa iba pang activities. Of course, hindi mawawala ang intense na stunt at pose ni Derek at Ellen na ibinida nila sa Instagram.

Sa ibinahaging mga larawan ni Ellen sa Instagram, makikitang buhat ni Derek ang asawa habang parang komportable namang nakahiga si Ellen sa ere.

“Quality Time ❀️,” sulat ni Ellen sa kanyang caption.

Credit:Β @maria_elena_adarna Instagram

Madali man tingnan, matutunghayan naman sa mga larawang ibinahagi ng couple sa kani-kanilang Instagram story na ilang ulit din nilang ginawa ang stunt na ito bago napagtagumpayan sa tulong ng kanilang ‘creative director’ na si Jessa Baguio.

Kahit sobrang hirap gawin, paano nagagawa ni Ellen at Derek na ipamukhang napakadali lamang ng ginawa nilang stunt? Talagang ‘out’ na ang common na pose ng couples kapag nasa beach at ‘in’ na ang bagong pauso ng dalawa!

Dahil sa bago at kakaibang pose na ito ni Ellen at Derek sa beach, maraming netizens sa comment section ang nanghikayat sa kani-kanilang jowa na gayahin din ito.

“Ready ka na? @dennizeringor πŸ˜‚”

Credit:Β @maria_elena_adarna Instagram

“Gawin natin pose na to hahahah @jaypeeparas”

Of course, marami rin ang humanga sa photoshoot na ito ng couple dahil tunay naman kasing mahirap itong i-execute lalo na’t nasa beach.

“You guys are amazing ❀️”

“❀️😍galing”

“Super galingπŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ™ŒπŸ™Œβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈ”

“Just WOOOOOOOW!!! 😲😲😲😲😲πŸ”₯πŸ”₯”

Maliban sa kanilang ginawang intense na stunt, sinulit ni Derek at Ellen ang bawat pagkakataon nila habang nasa Pangasinan. Mula sa kanilang photoshoots, pag-eenjoy sa sunset, pakikipag-bonding ng dalawa kay baby Elias Modesto, at pagkakaroon ng dinner sa beach, wala talagang boring na moment ang couple.

Happy Anniversary, Ellen at Derek Ramsay!