Ellen Adarna, ibinahagi ang guilty look ng anak na si Elias Modesto matapos mahuling pinaglaruan ang isang make-up

Sinusubaybayan ng marami ang makulay na buhay ng aktres at model na si Ellen Adarna lalong-lalo na sa social media. At hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa pagiging isang kilalang showbiz personality ay isa na rin ngayong ina si Ellen.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Matatandaang isinilang ni Ellen ang kanyang unico hijo na si Elias Modesto taong 2018. Si Elias ang naging bunga ng pagsasama nila ng kanyang dating kasintahan na si TV actor John Lloyd Cruz.

Sa ngayon nga ay isa si Elias sa mga anak ng artista na kinagigiliwan ng maraming netizens sa social media.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Usap-usapan naman kamakailan lang ang naging reaksyon ni Elias matapos siyang mahuli na pinaglaruan ang make up ng kanyang Tita Mika Adarna, pinsan ng kanyang Mommy Ellen.

Sa video na ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram account, huling-huli si Elias na pinaglaruan ang concealer ng kanyang Tita Mika. Talagang hindi maitatanggi ni Elias ang kanyang ginawa dahil bakas ang mga nagkalat na concealer sa kanyang katawan.

Matapos mahuli ay tila idinaan lamang ni Elias sa isang nakakaaliw na puppy eyes ang paghingi ng sorry sa kanyang Mommy Ellen. Mukhang nagpapa-cute at nagpapaawa pa ito para hindi mapagalitan katulad ng ibang bata na nahuhuli ng kanilang mga magulang na may ginagawang kapilyuhan. Maging si Ellen ay mukhang aliw na aliw din sa ipinakitang reaksyon ng kanyang anak.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Saad pa niya sa caption ng kanyang ipinost na video, “His first encounter with a concealer. Sorry miks HAHAHAHA.”

Samantala, naghatid naman ng ngiti sa maraming netizens ang ipinakitang reaksyon ni Elias sa nasabing video. Komento nila:

“Ahahaha! Ang mata ang cute guilty reaction…pero pag ganito ka cute parang instead na magalit prang gusto ko nlng yakapin you’re so adorable Elias. Hug please!!!!!”

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“Super cute…parang mahirap magalit pag ganito k cute ang May kasalanan.”

“guilty haha di mo alam kung iiyak o tatawa eh hahahahaha”

“He is trying to make pacute ate para di xa mapagalitan…look at his eyes o napaka innocent..pakurot nga baby”

“Akala siguro ni Elias water color… that facial reaction sooo cutie”

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, umani na ng mahigi 150K likes ang nakakatuwang video ni Elias sa Instagram.