Empress Schuck at non-showbiz fiancè, sumabak sa isang nakakakilig at napakagandang prenup photo shoot!

Marami sa atin ang naghahanap ng kanilang ‘the one’, ng kanilang ‘forever’ o ‘soulmate’, na magiging kapares o katuwang nila sa buhay.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Sino ba naman ang hindi gustong makahanap o makatagpo ng isang taong mamahalin at aalagaan sila ng panghabambuhay?

Maswerte naman ang aktres na si Empress Schuck dahil isa siya sa mga taong nahanap na ang kanyang ‘forever’ na makakatuwang niya sa buhay.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Natagpuan nga ni Empress ang kanyang forever sa katauhan ng kanyang matagal nang nobyo na si Vino Guingona.

At pagkatapos ng 7 taon na pagsasama, sa wakas ay inalok na ni Vino, ang ina ng kanyang anak na si Athalia ng kasal.

Kabilang nga sina Empress at Vino sa mga couple na na-engage noong 2020.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Mukha namang hindi na mapipigilan ang kasal ng dalawa dahil tuloy-tuloy na ang kanilang preparasyon para sa kanilang nalalapit na kasal tulad na lamang ng kanilang prenuptial photo shoot. Marami ang kinilig at humanga sa prenup photo shoot ng couple na ginanap pa sa Fortune Island sa Nasugbu, Batangas.

Kilig na kilig ang mga netizen sa matamis na pagtitinginan nina Empress at Vino na makikita sa kanilang mga litrato.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Ibinahagi ng sikat na photography company na Nice Print Photography sa kanilang Instagram ang mga nakakakilig na prenup photo nina Empress at Vino.

Makikita sa mga litrato ang hindi matagong ka-sweetan ng engaged couple. Mas lalo ring dumagdag sa romantic vibe ng kanilang prenup photo shoot ang napakagandang sinag ng araw at dagat.

Talagang perfect ang nasabing lugar para sa mga katulad nina Empress at Vino na labis na nagmamahalan.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Samantala, bukod sa kanilang prenup photo shoot, nagsagawa rin ang mga kaibigan at pamilya ni Empress ng isang “Bridal Shower” para sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, mapapanood ang pagiging emosyonal ni Empress matapos niyang makita ang napakagandang Bridal Shower na inihanda para sa kanya ng mga mahal niya sa buhay.

Nito lamang ding February 19, nagdiwang si Empress ng kanyang ika-28 kaarawan na huling kaarawan na niya bilang isang “single woman”.

Magpapaalam na nga si Empress sa pagiging “Miss” dahil handa na siyang i-welcome ang mundo ng pagiging isang “Misis”.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Sulat niya sa kanyang birthday post, “At my happiest. Happy Birthday to me! Last birthday as a single woman. Miss no more.”

Sa isang interview sa “Magandang Buhay” noong 2017, ikwenento ni Empress na nagkakilala sila ni Vino sa pamamagitan ng kanyang kinakapatid.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Taong 2015 naman nang isilang ni Empress ang unang anak nila ni Vino na si Athalia.