Opisyal nang isang misis ang aktres na si Empress Schuck! Ikinasal ang aktres sa kanyang matagal nang kasintahan na si Vino Guingona noong March 6.
Credit: @itsempressita Instagram
Ginanap ang sobrang ganda at intimate wedding ceremony nina Empress at Vino sa Hillcreek Gardens Tagaytay sa bayan ng Alfonso, Cavite.
Ibinahagi ng Nice Print Photo sa kanilang Instagram account ang ilan sa mga magagandang wedding photos nina Empress at Vino.
Credit: @itsempressita Instagram
Litaw na litaw ang kagandahan ni Empress sa kanyang suot na wedding gown na umani naman ng maraming papuri sa mga netizen.
Credit: @itsempressita Instagram
Tanging mga malalapit na kaibigan at mga pamilya lamang ng celebrity couple ang dumalo. Hindi rin nawala sa kasal ni Empress ang kanyang matalik na kaibigan na si TV actress Melissa Ricks na isa sa kanyang mga bridesmaid.
Isang espesyal na moment din sa wedding ceremony nina Empress at Vino na makita ang kanilang “little bride” at ang kanilang unica hija na si Athalia na nakasuot ng cute white gown.
View this post on Instagram
Tulad ni Empress ay nakasuot din ng isang napakagandang mini-bride gown si Athalia. Sa mga litrato na ibinahagi ng Nice Print na may caption na “Picture Perfect” makikita ang ilang sweet photo nina Empress at Athalia.
Credit: @itsempressita Instagram
Samantala, all-white at floral naman ang naging motif ng wedding reception ng dalawa.
Sa mga larawang ibinahagi ng Nice Print, makikita sina Empress at Vino na nakatayo sa pasukan ng hall na pinalamutian at puno ng mga puting bulaklak at kandila.
Credit: @itsempressita Instagram
Nagsimula ang relasyon nina Empress at Vino noong 2014. Dumating naman ang kanilang unang anak na si Athalia taong 2015.
At sa ika-5 kaarawan ng kanilang anak, ginawa ni Vino ang kanyang wedding proposal para kay Empress.
View this post on Instagram
Sa kanilang TV guesting noon sa “Magandang Buhay” noong 2017, ibinahagi nila na pareho silang nagmula sa Zamboanga at ang kanilang mga pamilya ay magkaibigan.
Credit: @itsempressita Instagram
Si Vino ay dating modelo at nagmula sa isang sikat na pamilya ng mga politiko dito sa Pilipinas. Sa mga hindi nakakaalam, si Vino ay apo ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin naman siya ni dating Senador Teofisto ‘TG’ Guingona.