Enchong Dee, naging emosyonal nang bisitahin ang swimming pool kung saan siya nag-eensayo dati bilang isang swimmer!

Bumisita ang actor-vlogger na si Enchong Dee sa kanyang hometown sa Naga City, Camarines Sur kamakailan lamang.

Credit: Enchong Dee YouTube

At sa kanyang pag-uwi, nagbalik-tanaw si Enchong sa ilang hindi malilimutang alaala niya sa kanilang probinsya.

Unang pinuntahan ni Enchong ang kanilang dating bahay kung saan umano sila lumaki ng kanyang mga kapatid.

Kwento ni Enchong, tanging ang garden na lamang at pader ng kanilang gate ang natitirang bakas ng kanilang lumang bahay dahil mayroon na umanong bagong nakatira dito.

Binisita rin ni Enchong ang simbahan kung saan umano siya nagbi-Visita Iglesia kasama ang kanyang pamilya noong siya ay bata pa. Maging ang eskwelahan kung saan siya nagtapos ng high school ay binisita rin ni Enchong. Bakas naman ang saya sa mukha ni Enchong matapos niyang muling makita ang guard ng kanilang eskwelahan na hanggang ngayon ay naaalala pa rin siya.

Credit: Enchong Dee YouTube

Hindi naman pinalampas ni Enchong ang pagkakataon na matikman muli ang ilang masasarap na delicacies ng kanyang hometown gaya ng ‘Kinunot’ at ‘Kinalasan’.

Samantala, pinuntahan din ni Enchong ang swimming pool kung saan siya dating nagti-training bilang isang swimmer.

Hindi na naiwasan ni Enchong na maging emosyonal nang makita muli ang swimming pool kung saan aniya siya nagsimulang mangarap.

Saad ni Enchong, “It’s a weird feeling. It’s a happy but a bit sad feeling na wala na siyang tubig (sabay turo sa pool) but I’m here — a lot of things flashing back, a lot of childhood memories replaying in my mind right now. Masaya pero how I wish it’s as healthy as before when I was still swimming here.”

Credit: Enchong Dee YouTube

Dagdag pa niya, “It’s so surreal, nandito na ako ulit. I’m so happy…Dito nagsimula ang lahat, lahat ng pangarap.”

Credit: Enchong Dee YouTube

Lingid sa kaalaman ng lahat, bago pumasok sa pag-aartista ay nakilala muna si Enchong bilang isang mahusay na swimmer. Sa katunayan, naging miyembro si Enchong ng Philippine National Swimming Team kung saan naging pambato siya ng Pilipinas sa Asian Games taong 2006 at SEA Games taong 2007. Kilala rin si Enchong bilang champion swimmer sa UAAP.

Bago naman bumalik ng Maynila, dumalo muna si Enchong sa kasal ng kanyang childhood friend kung saan siya tumayo bilang Best Man nito.