Eric Fructuoso, matagumpay na nakapagpatayo ng maraming negosyo gamit lang ang P5K puhunan

Sa gitna ng kawalan ng trabaho dahil sa [email protected], marami sa mga hinahangaan nating artista ang dumidiskarte sa buhay sa pamamagitan ng pagtatayo ng negosyo para maitaguyod ang kanilang pamilya. Isa rito ang dating “The Gwapings” member na si Eric Fructuoso.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Kamakailan, ibinahagi ni Eric sa YouTube channel ni Ogie Diaz ang hirap na kanyang pinagdaanan mula nang mawalan siya ng trabaho dahil sa epekto ng [email protected] sa showbizness at pagsasara ng ABS-CBN network.

Ibinunyag ni Eric na umabot siya sa puntong nakikikain na lamang siya sa pamilya ng Kapuso actor-dancer na si Mark Herras noong mga panahon na gipit na gipit siya sa pera.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Bukod kay Mark, malaki naman ang pasasalamat ni Eric sa isang kumpare niya sa showbiz na hindi niya pinangalanan.

Kwento ni Eric, binigyan siya ng P20,000 ng kanyang kumpare bilang tulong sa kanya matapos umano nitong mabalitaan ang kanyang nag-viral na pamamasada ng traysikel.

Malaking tulong para kay Eric ang perang ibinigay ng kanyang kumpare upang unti-unti siyang makaahon mula sa kahirapan.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Dahil kasi sa perang ibinigay ng kanyang kumpare kaya nakapagsimula si Eric ng isang negosyo at natustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Bahagi ni Eric, hinati niya ang P20,000. Ang P10,000 ay ibinigay niya sa kanyang dating asawa. Binigyan din niya ng P5,000 ang kanyang ina. At ang natirang P5,000 nga ang ginamit niya para makapagsimula ng isang negosyo.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Ikwenento ni Eric na nag-umpisa siya sa pagbebenta ng mga cap merchandise na may naka-imprintang hashtag na “Gwapings Moto.” Marami naman daw ang tumangkilik sa kanyang mga ibenebenta kaya kumita ito ng malaki.

Matapos namang pumatok at lumago ng kanyang cap merchandise business, nagtayo uli si Eric ng bagong negosyo na isang motorcycle shop. Aniya, hangga’t maaari ay pinapagulong niya ang perang kinikita ng kanyang negosyo.

Pagkatapos ngang maging matagumpay ng kanyang dalawang negosyo, naisipan ni Eric na tuparin ang kanyang matagal nang pangarap na isang food business.

Noong January 2021, binuksan ni Eric ang kanyang negosyo na “Gwapigs Porkchop.” Nagbukas din siya ng panibagong motorcycle shop sa Las Piñas.

Samantala, maliban sa mga nabanggit na negosyo, ibinunyag ni Eric na may bagong negosyo siyang pinaplanong buksan.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Hindi naman napigilan ni Eric na maging emosyonal habang ibinabahaging natutustusan na niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak ngayon dahil sa kanyang mga negosyo.

Saad ni Eric, “Alam mo ‘yung hindi ako makapag-provide sa tuition… sa pag-aaral, kinash ko lahat. ‘Yung feeling dati na wala ka, tapos ngayon maglalabas ka ng pera ang sarap lang ng feeling. Lahat ng ginagawa mo para sa anak mo, hindi ‘yun para sa ‘yo.”

Credit: Ogie Diaz YouTube

Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroong limang anak si Eric. Isa mula sa kanyang dating girlfriend at apat mula sa kanyang dating asawa.