Erich Gonzales, ini-reveal na ang espesyal na lalaking ka-date niya noong nagdiwang siya ng ika-30 taong kaarawan niya

Usap-usap ngayon sa social media ang mystery man na kasama ni Kapamilya actress Erich Gonzales sa kanyang birthday vlog episode nitong September 22.

Credit: Erich Gonzales Instagram      

Sa vlog ay mapapanood si Erich na ipinagdiriwang ang ika-30 taong kaarawan kasama ang isang lalaki. Kapansin-pansin sa vlog na napakasaya ni Erich habang kasama ang mystery man.

Sa isang bahagi ng vlog, ay kitang-kita ang kaligayahan ni Erich matapos marinig ang pagbati ng mystery man. Pagkatapos magpasalamat sa mystery man ay sobrang tamis naman ng ngiti ni Erich.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Mapapanood din sa vlog na nasa isang coffee shop at steak restaurant si Erich kasama ang mystery man. Nang natapos ang araw ay kapansin-pansin pa rin ang kasiyahan ni Erich.

Sa loob pa rin ng kotse, ay nagpasalamat si Erich sa mystery man na mukhang nakasama niya buong araw. Saad ni Erich sa mystery man, “Thank you for today.”

Ani ng mystery man, “You’re welcome.”

Pagkatapos ibahagi ni Erich ang birthday vlog, ay nagbahagi naman ito ng isang larawan sa Instagram na tila kinukumpirma ang katauhan ng mystery man na nakasama niya sa vlog.

Credit: Mateo Lorenzo Instagram

Pamilyar na pamilyar sa netizens ang coffee shop kung saan kuha ang larawan ng aktres dahil ito rin ang parehong coffee shop na pinuntahan niya sa kanyang birthday vlog.

Kinilig naman ang netizens lalo nang i-tag ni Erich ang isang Instagram account sa caption ng post.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Ani Erich, “@mr.todomundo”

Ang tinutukoy ni Erich sa kanyang caption ay si Mateo Lorenzo.

 

View this post on Instagram

 

📷 @mr.todomundo

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on


Dahil sa IG post na ito ni Erich ay nakumpirma na si Mateo ang mystery man na kasama ni Erich sa kanyang birthday vlog.

Credit: Mateo Lorenzo Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, si Mateo ay anak ng business tycoon na si Martin Ignacio Lorenzo. Ang pamilya ni Mateo ay isa sa mga mayayamang pamilya sa Pilipinas. Ang kanyang ama ang siyang tumatayong chairman at president ng naglalakihang kumpanya sa bansa kagaya ng sikat na Pancake House, Teriyaki Boy Group at Central Azucarera de Tarlac Inc.

Credit: Mateo Lorenzo Instagram

Mas tumindi naman ang espekulasyon ng lahat ng makita sa Instagram ni Mateo ang isang larawan ni Erich na kuha pa taong 2017.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mateo Lorenzo (@mr.todomundo) on

Hula ng netizens, si Mateo rin ang napabalitang non-showzbiz guy na masugid na nanliligaw sa aktres noong 2018.

Maaaring si Mateo rin ang ikwenento noon ni Erich na lalaking idini-date niya.

Credit: @beardedpinoy Instagram

Matatandaang inilarawan lamang ni Erich noon bilang kapatid ng boyfriend ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo ang kanyang ‘persistent’ at ‘consistent’ suitor.

Credit: Mateo Lorenzo Instagram

Samantala, wala pa ring opisyal na pahayag si Erich na si Mateo nga ang nanliligaw sa kanya noon o kung nobyo na ba niya ito ngayon.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Sa ngayon ay abala si Erich sa patok nilang romantic digital mini-series ng ka-loveteam na si Enchong Dee na “You. Me. Maybe.” sa YouTube.