Erich Gonzales, masayang nakipag-bonding sa napakagandang anak ni Sofia Andres na si Baby Zoe!

Masayang nakipag-bonding ang aktres na si Erich Gonzales sa napakagandang anak ng kanyang co-star sa drama serye na “La Vida Lena” na si Sofia Andres na si baby Zoe Miranda.

Credit: @erichg Instagram

Ibinahagi ni Erich sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan nila ni baby Zoe na masayang naglalaro sa loob ng tirahan nina Sofia.

Tinawag ni Erich ang kanyang bonding moment kasama ang magandang anak ni Sofia bilang “A Day with Zoe”.

Credit: @erichg Instagram

Sa serye ng mga nakakatuwang larawan na ibinahagi ni Erich, makikita siyang binabantayan si Zoe. Enjoy na enjoy din si baby Zoe na tingnan ang iba’t ibang larawan sa kanyang picture book kasama ang kanyang Tita Erich.

Nagsama naman sa isang selfie sina Erich at baby Zoe. Sa panghuling larawan nga ay makikita si Erich na sinasamahan si baby Zoe habang sumisilip ito sa gate.

Pinusuan naman ng libu-libong netizens ang mga nakakatuwang larawan ni Erich kasama si baby Zoe.
Sa panahong isinusulat ito, umabot na sa mahigit 170K ang nakuhang likes ng mga larawan na ipinost ni Erich.

Credit: @erichg Instagram

Mukhang sobrang nag-enjoy nga si Erich sa bonding nila ni baby Zoe. Sa tugon ni Erich sa komento ng partner ni Sofia na si Daniel Miranda sinabi niya na pwede umano siyang maging ‘bantay’ ni baby Zoe kahit anong oras.

Ani Erich, “@danielmirandaa_ pwede ko bantay ni Zoe anytime please”

Credit: @erichg Instagram

Saad naman ni Daniel, “@erichgg Yes, ok ra kaayo. Adto ra sa balay anytime.” (Yes, ok lang masyado. Punta ka lang sa bahay anytime.)

Si baby Zoe ay ang unang anak ni Sofia sa kanyang longtime boyfriend na si professional car racer Daniel Miranda.

Noong November 2020, ipinagdiwang ni baby Zoe ang kanyang unang kaarawan sa pamamagitan ng isang Cocomelon-themed birthday party.

Credit: @erichg Instagram

Samantala, kamakailan lamang, sumabak sa isang “heart to heart” talk sina Erich at Sofia na mapapanood naman sa YouTube channel ni Erich. Sa kanilang pag-uusap, ikwenento ni Sofia kung paano sila nagkakilala ni Daniel.

Kwento ni Sofia, “Party girl kasi ako nu’ng time na ‘yun. And then na-meet ko siya sa The Fort. Hindi ko talaga ini-expect kasi I wasn’t really looking for anything like love life or whatever. So na-meet ko siya. May kumalabit sa akin. Cousin niya pala. Sabi, ‘My cousin finds you pretty’. Sabi ko, ‘Ah okay’. Eh medyo tipsy na ako. So nagpa-picture siya. Hindi niya alam artista ako. Siyempre he doesn’t really watch mga shows here in [the Philippines]…” 

Credit: @erichg Instagram

Dagdag niya, “Tapos hinintay niya talaga ako hanggang 3 AM umuwi. Tapos in-oofferan niya ako ng water in the bar. Hindi alcohol. Tapos the next day, not for anything, kinukuha nila ang number ko. What I did, fini-fake ko talaga. Sa kanya ko lang binigay ang number ko. That’s how it started…”