Erich Gonzales, naiyak sa araw ng kanyang ika-30 taong kaarawan dahil hindi niya kasama ang pamilya para i-celebrate ito

Simple at makabuluhan ang naging pagdiriwang ni Kapamilya actress Erich Gonzales ng kanyang ika-30 taong kaarawan nitong September 20.

Credit: Erich Gonzales YouTube      

Dahil may p@ndemya, sa pamamagitan ng isang video call lang nakasama at nakausap ni Erich ang mga mahal niya sa buhay. Kabilang dito ang kanyang magulang at mga kapatid.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Sa birthday vlog na ipinost niya sa kanyang YouTube channel, ay inamin ni Erich na umiyak at nakaramdam siya ng kaunting lungkot dahil hindi niya pisikal na kasama ang pamilya sa kanyang kaarawan.

Ani Erich, “Sobrang miss ko lang ‘yung family ko especially ngayon. Medyo sad lang konti na sana kasama ko sina mama, si ate, si kuya.”

Credit: Erich Gonzales YouTube

Lubos din ang pasasalamat ni Erich sa kanyang mga kaibigan at tagahanga na nagbigay ng kanilang mga birthday message at regalo.

Mensahe ni Erich sa kanila, “I just wanted to say thank you for all the love and support. Hindi po talaga ako magsasawa na magpasalamat sa inyo. Thank you very much sa pagsama sa akin today. Sa lahat po ng mga nag-send ng messages. Sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal, nagbigay ng regalo.”

Credit: Erich Gonzales YouTube

Ayon pa kay Erich, ang pinakamagandang regalo raw na matatanggap natin ay ang maayos na kalusugan.

Aniya, “But you know what? Ang pinakamagandang regalo talaga is good health para sa ating lahat, para sa ating mga mahal sa buhay. Again, let’s just continue to pray na malagpasan natin lahat ng ‘to at matapos na ang lahat ng ‘to at bumalik na sa normal ang lahat.”

Credit: Erich Gonzales YouTube

Hindi naman makapaghintay si Erich na matapos na ang kris!s na kinakaharap natin ngayon para makasama na raw niya ang pamilya. Malayo kasi si Erich sa pamilya dahil nasa Davao ang mga ito.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Saad ni Erich, “Siguro dasal ko lang talaga na sana matapos na ‘to lahat, ‘no? Para makasama na natin ‘yung mga mahal natin sa buhay.”

 

View this post on Instagram

 

Beyond grateful ♡

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Samantala, hindi rin nakalimutan ng ka-loveteam at matalik na kaibigan ni Erich na si Enchong Dee na batiin at bigyan siya ng napakatamis na birthday message.

Sa Instagram ay isang larawan kasama si Erich ang ibinahagi ni Enchong. Sa caption ng post ay tinawag pa ni Enchong na “mylabs” si Erich.

Credit: Erich Gonzales Instagram

Ani Enchong, “I will celebrate life extra today because of you. Happy Birthday mylabs.”

Nagkomento naman si Erich sa IG post ni Enchong. Sabi ni Erich, “I remember this photo-our first shooting day (PACK UP na!) haha our itsura. Tired but fulfilled. Thank you very much, Partner. Glad I’m on this journey with you. Woudn’t change a thing. I Love You. @mr_enchongdee”

Credit: Erich Gonzales Instagram

Bukod pa rito ay mapapanood din sa vlog ni Erich na nagpadala ng isang sweet na voice recording sa kanya si Enchong kung saan binabati nito ang kanyang matalik na kaibigang nagdiriwang ng kanyang kaarawan.