Rinig na rinig na ang tunong ng kampana sa simbahan dahil usap-usapan ngayon sa social media na nakatakda si Erich Gonzales na ikasal ngayong buwan ng Marso sa kanyang non-showbiz na boyfriend!
Credit: @erichgg Instagram
Isa si Erich Gonzales sa mga magaganda at sikat na aktres sa kanyang henerasyon at kahit na’y nasa tuktok na ngayon ng kanyang career sa showbiz, patuloy pa rin siya sa pagpapatunay na walang kakupas-kupas ang kanyang talento sa pag-arte.
Simula nang pinasok ang showbiz at nagkaroon ng malalaking roles sa mga matatagumpay na teleserye at film, marami nang nabuong loveteam si Erich at madalas pa nga siyang pinagli-link romantically sa mga ito ng kanilang fans pero mukhang nakatadhana talaga ang aktres na mahulog sa isang lalaking non-showbiz na si Mateo Lorenzo.
Credit: @erichgg Instagram
Taong 2018 nang unang kumalat ang bali-balitang may namamagitan umano kay Erich at Mateo, ang anak ng may-ari ng Yellow Cab Pizza at Pancake House na parehong malalaking negosyo. Nagsimula ito nang nakita umano ang dalawa na magkasamang nagpunta sa Japan.
Credit: @erichgg Instagram
Sa isang interview noong 2018 na ibinahagi ni MJ Felipe sa Twitter, inamin ni Erich na nanliligaw umano si Mateo Lorenzo sa kanya at ibinahagi na magkasama silang dumalo sa exhibit ng kanyang kapatid na isang painter.
Sa paglipas ng ilang taon na pagpapanatili ni Erich sa pagiging private at lowkey sa kanyang buhay pag-ibig, may lumitaw na namang rumor ngayon na ikakasal na umano siya sa kanyang non-showbiz na boyfriend sa susunod na buwan dahil sa kumakalat ngayong ‘marriage banns’ o isang publikong announcement ng simbahan kapag ikakasal ang couple.
Ayon sa larawang kuha sa ‘marriage banns,’ makikita ang larawan at personal na information ni Erich at Mateo. Makikita rin sa ibabang bahagi ng papel na nakatakdang maikasal ang dalawa ngayong ika-23 ng March.
Credit: @erichgg Instagram
Of course, wild at happy ngayon ang fans ng aktres lalo na’t mukhang nahanap na ni Erich ang lalaking mamahalin siya at mamahalin niya sa habangbuhay. Dahil sa ilang taon na pagiging lowkey niya sa relationship nila ni Mateo, labis din ang gulat na naramdaman ng kanyang fans nang umusbong ang rumor tungkol sa pag-iisang dibdib ng couple.
Viral naman ngayon sa social media ang ‘marriage banns,’ nananatili pa rin si Erich sa pagiging tahimik at hanggang ngayon ay wala pa ring sagot ukol dito.