Isa sa mga sinusundan sa mundo ng fashion ang celebrity influencer na si Heart Evangelista. Ngunit bukod sa magandang buhay at magarang pamumuhay ni Heart, isa rin siya sa mga nangungunang personalidad na tumutulong sa mga mahihirap nating kababayan.
Credit: @iamhearte Instagram
Tulad ng kanyang pangalan ay mayroong napakalaking puso si Heart sa mga taong nangangailangan at sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ay naibabahagi niya sa lahat ang mga biyaya na dumarating sa kanyang buhay.
At nito lamang February 14, sa araw ng mga puso, ipinagdiwang ni Heart ang kanyang ika-36 na taong kaarawan.
Credit: @iamhearte Instagram
Timeout muna sa pagpapasaya si Heart dahil sa kanyang kaarawan ay siya naman ang pinasaya ng mga malalapit na tao sa kanyang buhay.
Sa kanyang Instagram stories, makikita na lumipad papuntang Benguet, Baguio City si Heart kasama ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero para roon ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
View this post on Instagram
Trending naman ang isang litrato na ipinost ni Heart kung saan makikita siyang yakap-yakap ang isang napakalaking bouquet ng mga bulaklak.
Bukod sa isang napakalaking bouquet ng mga bulaklak, isang espesyal na regalo rin ang bumungad kay Heart sa araw ng kanyang kaarawan.
Credit: @iamhearte Instagram
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart ang kanyang saya matapos niyang makita ang kanyang billboard na naka-display sa Times Square sa New York City. Iminodelo ni Heart ang isa sa mga bag na gawa ng IA’s Threads, isang fashion brand na ibinibida ang mga gawa ng mga Pinoy sa international fashion scene.
“Another surreal moment! 🤍 My second billboard for @iasthreads is up again in Time Square in New York. What an amazing birthday this has been! Thank You for all the blessings You give me,” caption ni Heart sa kanyang Instagram post.
Credit: @iamhearte Instagram
Ngunit bukod sa mga bagay na natanggap niya sa kanyang kaarawan, sinabi ni Heart na ang mister niyang si Chiz ang pinakamagandang regalo na natanggap niya sa kanilang lahat.
Credit: @iamhearte Instagram
“The best present of them all.💖 @escuderochiz,” ani Heart kalakip ng kanilang sweet photo ni Chiz.
Samantala, kasabay ng pagdiriwang ni Heart ng kanyang kaarawan ay ipinagdiwang din nilang dalawa ni Chiz ang kanilang ika-6 na wedding anniversary.
Credit: @iamhearte Instagram
Matatandaang noong February 15, 2015 ay ikinasal sina Heart at Chiz sa Balesin island sa Quezon.
Mensahe naman ni Heart sa kanyang mister, “Six years and a lifetime more to go with us at each other’s side. I wouldn’t have it any other way. 💕 Thankful for all the big and small moments we’ve had, and everything else in between! Happy Anniversary, mon amour. “