Ethel Booba, nagkaroon ng magarbong 1st birthday party para sa anak na si Baby Michaela

Isa sa mga celebrities na nagkaroon ng celebration kamakailan ay ang sikat na komedyante at personalidad sa telebisyon na si Ethyl Gabison o mas kilala sa pangalang Ethel Booba.

Credit: @ethelbooba Instagram

Maaalala noong Pebrero taong 2020 nang isinilang ng komedyante ang kauna-unahan niyang anak na si baby Michaela sa partner na si Jessie Salazar.

Credit: @ethelbooba Instagram

Sa pagtungtong ng kanilang baby girl sa una nitong kaarawan noong Pebrero 14 ay hindi nagawa ni Ethel Booba at Jessie na magkaroon ng malaking selebrasyon para sa anak dahil na rin sa pag-iingat sa posibleng pagkalat ng C0vid. Nang muli ng pinayagan na magkaroon ng pagtitipon-tipon ay hindi ito pinalagpas ni Ethel ng napagdesisyunan nga nila ni Jessie na i-celebrate muli ang kaarawan ni baby Michaela. Ngayon nga lang ay magarbo na!

Credit: @ethelbooba Instagram

Makikita ang celebration ng kaarawan ni baby Michaela sa video na ibinahagi ng kanyang Mommy Ethel Booba sa sarili nitong YouTube channel. Ginanap ang espesyal na araw ni baby Michaela sa Aquila Crystal Place sa Tagaytay Events Place.

Ayon sa vlog ni Ethel Booba ay gusto niya talagang ipagdiwang ang kaarawan ng anak noong Pebrero sa nasabing lugar pero hindi umano ito naging available sa mismong araw na iyon. Sa naudlot na celebration para sa anak ay pinagsikapan talaga ni Ethel Booba at ni Jessie na bigyan ng magarbong birthday party ang anak.

Credit: @ethelbooba Instagram

“The GRANDEST BIRTHDAY (REMAKE) CELEBRATIOOOOOOOOOOOOON!” sulat ni Ethel Booba sa kanyang caption matapos magbahagi ng mga larawan sa Instagram.

Sa kaarawan ni baby Michaela ay imbitado ang iilang sikat na personalidad katulad na lamang nina Donnalyn Bartolome, Donita Nose, at Wilbert Tolentino na naging mga kaibigan niya sa ilang taong pamamalagi sa industriya.

Credit: @ethelbooba Instagram

Pinasalamatan niya ang tatlong kaibigan sa pagdalo sa kaarawan ng kanyang baby girl. Nagpaabot siya ng pasasalamat sa mga ito sa pamamagitan ng pag-post ng candid shots ng mga ito sa kanyang Instagram.

“Thank you for coming everyone 😘 @donna @sirwil75 @donitanose”

Credit: @ethelbooba Instagram

Hindi naman maipagkakaila na napaka-engrande ng ginanap na celebration para sa unang kaarawan ni baby Michaela. Maaalala noong nakaraang taon nang nabiyaan si Ethel Booba at ang partner na si Jessie ng baby girl na kung tawagin nila na si “little booba”.

Hindi talaga palalampasin ng isang mommy ang first birthday ng kanyang anak, tulad na lang ni Ethel Booba.