Eula Valdes, pina-wow ang mga netizen nang ipaalam sa mga fans na marunong siya magmaneho ng motor!

Pinawow ng veteran actress na si Eula Valdes ang mga netizen matapos niyang ibahagi ang kanyang mga larawan na nagmamaneho ng isang motorbike sa highway.

Credit: @eulavaldes Instagram

Sa kanyang mga larawan na kuha ng kanyang pamangkin, makikita si Eula na nakasakay sa isang motorbike na Honda CB650R na mayroong 649cc engine. Ang motorbike ni Eula ay kayang tumakbo ng higit sa 200 kph.

Credit: @eulavaldes Instagram

“Super init! Mahirap mag maintain ng bango, today you may call me Hulas Valdes😍😜 Photo courtesy of my back up he-gad nephew @ansonstan,” ani Eula sa caption ng kanyang post.

Samantala, sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Eula na hinahangaan at saludo siya sa mga delivery rider na nagtatrabaho buong araw sa ilalim ng napakainit na panahon.

Credit: @eulavaldes Instagram

Ani Eula, “Bilib ako sa mga delivery riders natin na whole day nasa kalsada, wow! Imention ko lang sa init na na experience ko kahapon, na nakahingi ako ng water sa Sucat toll gate nung kumukuha ako ng RFID, maraming salamat po.”

Dagdag ni Eula, “Hindi biro trabaho ninyo! Pwede kang mag-pass out sa tindi ng init ng araw! Ingat po tayo at magbaon ng tubig. Humihilik daw ako kagabi. Nakakapagod kase!”

Credit: @eulavaldes Instagram

Sa panahong isinusulat ito, ang nasabing post ni Eula sa Facebook ay mayroon na ngayong 9K shares at 35K reactions.

Credit: @eulavaldes Instagram

Narito naman ang komento ng ilang netizens na napa-wow sa pagmamaneho ni Eula ng isang motorbike. Anila, pwede nang sumabak si Eula sa isang action movie dahil sobrang astig nitong tingnan sakay ng kanyang motorbike.

Credit: @eulavaldes Instagram

“Wow galing naman ni ms eula, mala Tom Raider datingan, award winning actress talaga yan since pa ng bagets, beauty pa din until now kahit action movie pwede yan, RS ms eula enjoy”

Credit: @eulavaldes Instagram

“You have a potential to be an action star. I didn’t know that you are a rider. Looking forward to see you in an action movie Ms Eula.”

“Ang galing naman…Mahilig din si madam eula magmotor”

Credit: @eulavaldes Instagram

Si Eula ay kilala dahil sa kanyang husay sa pag-arte lalo na bilang isang kontrabida actress. Sa ngayon ay napapanood siya sa TV series na ‘Huwag Kang Mangamba’.