Ex-PBB housemate Fourth Solomon, ibinahagi ang masasayang letrato nila ng kanyang asawa kasama ang kanilang bagong silang na anak

Nasundan ng marami ang journey ng aktor na si Fourth Solomon o Robert Solomon Pagotan IV sa tunay na buhay sa Pinoy Big Brother house.

Credit: @fourthsolomon Instagram

Si Fourth at ang kanyang kambal na si Fifth ay kabilang sa mga sinubaybayan ng manonood sa PBB:All In edition noong 2014.

Hanggang sa nakalabas naman sila sa Bahay ni Kuya ay patuloy pa rin silang sinubaybayan ng kanilang mga tagahanga.

Kilala rin si Fourth at Fifth bilang mga nakababatang kapatid ng komedyanteng si Chariz Solomon. Pagkaraan naman ng maraming taon ay marami na ang nagbago sa buhay ni Fourth at kabilang sa mga espesyal na kaganapan sa kanyang buhay ay nang maging isang ganap siyang ama.

Credit: @fourthsolomon Instagram

Noong April 26 ay ipinanganak ng asawa ni Fourth na si Grizelle Gratela ang kanilang napakagwapong baby boy na pinangalanan nilang Robert Gavin.

At higit isang buwan mula nang maisilang ang kanilang unang anak, ibinahagi ni Fourth sa kanyang Instagram account ang ilang masasayang litrato nilang magpamilya na kuha mula sa kanilang kauna-unahang photoshoot kasama ang kanilang cute na cute na anak.

Credit: @fourthsolomon Instagram

Bakas sa mukha ni Fourth at ni Grizelle ang kaligayahan sa letrato habang pareho nilang hawak ang kanilang unang anak.

Kahit na naiyak sa unang letrato si Baby Robert Gavin, makikitang sa sumunod ng mga letrato ay mahimbing na siyang natutulog habang maingat at puno ng pagmamahal siyang hinalikan ng kanyang mommy at daddy.

Credit: @fourthsolomon Instagram

Sulat naman ni Fourth sa caption ng kanilang family photo, “Hello @robertgavin_ say Cheese 🧀 😅 Daddy and Mommy @grizellegratela love’s you 😁❤ Thank you @niceprintphoto @theconceptroomstudio and ms @charissetinionp for capturing our life’s milestones from our wedding to my maternity shoot to our newborn shoot! You guys are the best 💯 #FamilyPicture #NicePrint”

Matatandaang ikinasal sina Fouth at Grizelle noong nakaraang taon sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Credit: @fourthsolomon Instagram

January ngayong taon naman ay masaya at excited na inanunsyo nina Fourth at Grizelle ang pagdating ng munting biyaya sa kanilang pagsasama.

Samantala, hindi man pinalad na manalo ay nabigyan naman ng maraming proyekto sa telebisyon si Fourth.

Isa naman sa pinagkakaabalahan ngayon ni Fourth bukod sa pag-aartista ay ang kanyang mga negosyo.