Ex-PBB Housemate na si Niña Jose, pinasok na rin ang mundo ng politika bilang isang mayor!

Isang malaking karangalan talaga kapag nahalal tayo bilang isa sa mga uupo sa mahahalagang posisyon sa gobyerno dahil ibig sabihin lamang nito, ibinigay ng mga mamamayan ang kanilang tiwala at suporta na mapapagaan mo ang kanilang buhay.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Matatandaan na nagsimula si Niña Jose sa “PBB: Teen Edition” noong 2006 bago siya sumabak sa pag-aartista kung saan ay naging matagumpay naman ang kanyang career dahil sa mga proyektong natanggap niya alongside ng kapwa niya sikat at kilalang celebrities ngunit sa paglipas ng panahon, tila’y nagustuhan ni Niña ang pagsisilbi sa mga mamamayan kaya nang nagkaroon ng opportunity ngayong Halalan 2022, napagdesisyunan niyang tumakbo bilang Mayor ng Bayambang, Pangasinan kung saan ay hindi naman siya nabigo.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Sa official na resulta, makikita na umani si Niña ng 41,685 votes habang 27,373 naman sa kanyang rival na si Ricardo Camacho. Dahil dito, si Niña ang bagong Mayor ng Bayambang kapalit ng kanyang asawa na si Cezar Quiambao na siyang kasalukuyang Mayor ngayon.

Sa kanyang post sa Facebook, nagpahayag ng pasasalamat ang dating PBB housemate sa lahat ng nagpakita ng suporta sa kanya.

Ayon kay Niña, “Maraming Salamat Po! that in all things God may be glorified!”

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Sa isang hiwalay na post, ikinuwento ni Niña na hindi niya kailanman inasahan na magiging Mayor siya kaya naman ganoon na lamang ang nararamdaman niyang kasiyahan dahil pinagkatiwalaan siya ng mga mamamayan ng Bayambang, Pangasinan na maipagpapatuloy niya ang magandang administrasyon ng lugar.

“Never in my whole life did I imagine becoming a Mayor,” sabi ni Niña.

“I still have no words to say about everything that has happened, all I know is that God’s plan always prevails in every situation in our life. I have so many people to thank and I will be doing that in another lengthier post, but right now allow me to say that we continue to serve our people of Bayambang and continue to work for our Beloved Bayambang.”

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Dagdag pa niya, “Our win, is every Bayambangeños win… after election season, I believe that no matter what Bayambangeños are family, one and united for the progress of our beloved town. Maraming salamat po muli sa tiwala at pagmamahal po ninyo sa buong team Quiambao Sabangan. Mahal na mahal po namin kayo! We offer everything for the honor and glory of God. “