Ex-PBB housemate Niña Jose, umani ng papuri matapos ihayag ang kanyang pantay na pagmamahal sa walong anak at isang apo

Si Niña Jose ay unang sumabak sa showbiz noong 2006 nang siya ay naging housemate sa reality TV show na ‘Pinoy Big Brother’.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Matapos sumali sa nasabing reality competition ay umusbong ang showbiz career ni Niña at napanood siya sa iba’t ibang mga pelikula at palabas sa TV.

Gayunpaman, noong nakaraang 2017 ay nagpasya si Niña na iwanan ang showbiz pagkatapos niyang maikasal kay Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Makikitang masaya na si Niña sa buhay na kanyang tinahak kasama ang kanyang mister at kanilang anak na si Antonio.

Ngunit pagkatapos ng maraming taon na pagkawala ni Niña sa limelight ay muling umugong ang kanyang pangalan.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Kamakailan lamang ay naging sentro ng usap-usapan sa social media si Niña matapos lumabas ang isang artikulo tungkol sa kanyang buhay ngayon.

Laman ng nasabing artikulo ang ilang update sa buhay ni Niña at kasama nga rito ang pagiging mabuting asawa at ina niya.

Sa nasabing artikulo ay nakasaad din na nawalan ng dalawang anak si Niña dahil sa misc@rriage na nilinaw naman niya na hindi totoo.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Sa isang Facebook post, pinabulaanan ni ninya ang nakasaad sa nasabing artikulo na dahil sa misc@rraige ay nawala ang anak niyang si Julius.

Ayon kay Niña, hindi dahil sa misc@rriage kaya nawala sa kanila si Julius. Paglilinaw ni Niña, si Julius ay anak ng kanyang mister at pumanaw umano ito sa edad na 44.

Ani Niña, “Thank you for this feature GMA Network. Just to clarify, we did not lose our son Julius through a miscarriage. He was in this world for 44 wonderful years before he joined our Creator last 2018. Nevertheless, we miss him and Isabello everyday.”

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Samantala, dahil din sa nasabing artikulo kaya maraming netizens ang nagtanong kung ilan ang anak ni Niña ngayon.

Ibinahagi ni Niña na mayroon siyang walong anak. Ang anim umano rito ay kanyang mga stepchildren at ang dalawa naman ay anak nila ni Cezar na sina Antonio at Isabello. Ngunit si Isabello ay nawala sa kanilang mag-asawa dahil sa misc@rriage na naranasan ni Niña.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Inihayag naman ni Niña na pantay ang pagmamahal niya para sa kanyang mga anak kahit pa hindi siya ang biological mother ng kanyang mga stepson.

Ani Niña, “Yes, I have 6 stepchildren, 1 of which is in heaven (Julius), and 2 kids with Cezar. 1 in heaven (Isabello). Personally, it doesn’t really matter if they’re my stepchildren or children. I love them all the same. All in all I have 8 kids. And I also have 1 grandchild. This shouldn’t be an issue.”