Ex-‘PBB housemate Pamu Pamorada, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Mitchell Hapin

Ang Kapamilya star at dating housemate ni Kuya na si Pamu Pamorada ay engaged na sa boyfriend nitong si Mitchell Hapin. Kasamang pinost ni Pamu ang mga larawan nito na suot ang engagement ring habang hawak at yakap siya ng kaniyang boyfriend.

Credit: @pamupamorada08 Instagram

“The Lord is really faithful! my heart is full. ❤️💍In God’s perfect time talaga 🥰,” caption nito sa larawan.

Kinumpirma din ng boyfriend nito ang kanilang engagement ng magpost ito sa kaniyang social media. Na-kuwento nito ang nangyari ng hingin nito ang kamay ni Pamu.

“We’re officially engaged. Unang una sa lahat, thank you Lord sa blessings. ‘Yung ‘di na ‘ko nakapagsalita dahil nakita ko s’yang umiyak. Naluha na din ako. I love you so much Pangsy,” saad nito sa larawan.

Maraming malalapit na kaibigan ang naghatid ng kanilang pagbati sa couple:

Credit: @pamupamorada08 Instagram

“Congratulations (Pamu) ikaw na!!!!” kumento ni Gelli de Belen.

“OMG! Congratulations,” pagbati ni Alexa Ilacad.

” 🤍 🤍 🤍 ,” simpleng pagbati ni Kathryn Bernardo.

Credit: @pamupamorada08 Instagram

Makikita ngayon sa isang Kapamilya teleserye series “2 Good 2 Be True” si Pamu. Ginagampanan nito ang role bilang si Gemma, na kamakailan lang ay naging heartbroken dahil hindi ito pinili ng kaniyang mahal na si Eloy (Daniel Padilla) dahil ang interes nito ay na kay Ali (Kathryn Bernardo). Dahil dito ay hindi nakaligtas ang aktres sa mga netizen na pabirong bumati:

“OMGGGGGG ATEEEE Congratulations Ate Pamu!!

“Congrats sis! Happy for you”

“Hindi kana mag sasana all Gemma!! Congrats”

Credit: @pamupamorada08 Instagram

“So totally moved on kana talaga kay Eloy nyan beh. ‘Yan na din ang bagong chismis mo kay Chubs na ichichismis din siguro ni Ms. Jill kay Helena. Chariizzz!

“Ang bilis mo magmove on, Gemma hahahahahaha congrats kaya pala pinalaya mo na si Eloy”

“buti na lang pinalaya mo na si Eloy, Congratulations”

Unang nakilala si Pamu nang sumali ito noong 2011 bilang isa sa mga housemate ni Kuya sa “Pinoy Big Brother Unlimited”. Naging second place winner dito ang aktres. Nagumpisa naman ang acting career ng aktres sa kaniyang unang project sa “Kahit Puso’y Masugatan” noong 2012.