“Fail” na pag-awra ni Isabel Oli, nagbigay katatawanan sa mga netizen

Pinagplanuhan man ng maigi, may mga pagkakataon talaga na hindi sumasang-ayon sa atin ang tadhana ngunit kadalasan naman sa mga ito ay hindi nauuwi sa kumpletong failure kung hindi ay sa katatawanan din!

Credit: @isabeloliprats Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin na punong-puno ng talented na mga artista ang industriya ng showbiz ngunit bibihira lamang sa kanila ang maituturing na multi-talented katulad lamang ni Isabel Oli na hindi lamang isang mahusay na aktres kung hindi ay isa ring sikat na modelo at endorser.

Of course, sa ilang taon niyang pananatili sa industriya, talagang masasabi na isa ng expert si Isabel dahilan kung bakit napagtagumpayan niyang manatili sa tuktok ng kanyang career. Sa tuwing nakikita sa telebisyon o hindi kaya’y billboards at commercials, talagang naagaw niya ang atensyon ng netizens dahil kahit saan man siyang anggulo kunan ng larawan ay tiyak na perpekto ang resulta nito.

Fierce o nakangiti man sa harap ng kamera, lahat ay kayang-kaya ni Isabel ngunit kahit isa mang professional na modelo, may moments pa rin para sa aktres na hindi sumasang-ayon sa kanya ang panahon dahilan kung bakit minsan ay nauuwi sa kapalpakan ang kanyang ginagawa.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Kumakailan lamang nang nagbahagi ng isang maikling Tiktok video si Isabel sa kanyang official na Instagram account kung saan ay mapapanood siyang rumarampa habang seryosong nakatingin sa kamera ngunit hindi niya nagawang panatilihin ang kanyang “fierce look” dahil sa hindi niya inaasahang pagbahing.

“Yung totoo, may nakakarelate ba???!!!🤔” sulat ni Isabel sa kanyang caption.

Mula sa napakaseryosong mukha at todo effort pa sa pag-perfect ng kanyang pagrampa, nauwi lamang sa purong katatawanan ang ibinahaging video ng aktres lalo na at sinamahan pa niya ito ng sound effect na pag-utot kaya naman talagang bentang-benta ito sa kanyang fans at followers.

Marami rin sa kanila ang nagsabi na nakaka-relate sila kay Isabel.

Credit: @isabeloliprats Instagram

“hahaha baka may kasama ng laman yun pwersado eh 😂😂😂”

“Dami ko tawa, narelate kasi ako 😂😂😂”

“Wahaha ganyan din ako minsan.😂”

Credit: @isabeloliprats Instagram

“Kaloka 😂😂😂😂”

Ilang taon man sa pagiging modelo at expert naman sa pagrampa at pagkontrol sa kanyang emosyon, talagang walang makakapigil sa pagbahing!