Fans nila Donny Pangilinan at Belle Mariano, sinurpresa ang love team ng mga billboard sa ibang bansa!

Credit: @donny Instagram

World-class! Muling pinatunayan ng Pinoy loveteam na DonBelle na kayang-kaya nilang makipagsabayan sa iba pang mga kilalang loveteams sa ibang bansa!

Kinikilala ng karamihan ngayon bilang ang susunod na “Big Loveteam” sa industriya ng showbiz, kailanman ay hindi binigo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kanilang fans pagdating sa paghahatid ng good vibes at kilig.

Credit: @donny Instagram

Matapos pinabilib ang karamihan sa matagumpay nilang pagsasama sa sikat na iWant TV series na “He’s Into Her,” naging sentro na sila ng atensyon sa publiko. Dahil sa ipinamalas nilang galing sa pag-arte at ang kakaibang kilig na naiihatid nila sa kanilang fans, hindi na palaisipan kung bakit patuloy na dumadami ang mga taong sumusuporta sa kanilang tambalan.

Marami man ang nalungkot sa pagtatapos ng pinagbidahan nilang series na “He’s Into Her,” muli na namang pasasayahin at pakikiligin ng DonBelle ang lahat sa kanilang kauna-unahang pelikula na pinamagatagang, “Love is Color Blind”.

Credit: @titasofdonbelleofficial Instagram

Sa gagawing movie na muling pagbibidahan ng loveteam, talagang walang pinalagpas ang kanilang fans, lalo na ang @titasofdonbelleofficial na sobrang prepared sa araw nang opisyal na inanunsyo sa publiko ang napakagandang balita.

Hindi lamang sa Pilipinas nangingibabaw ang kilig na hatid ng tambalang DonBelle dahil umabot ito hanggang New York, Korea, at Switzerland!

Credit: @titasofdonbelleofficial Instagram

Linngo, November 7 nang proud na ibinahagi ng @titasofdonbelleofficial sa kanilang opisyal na Instagram account ang kuha nilang video sa NYC Times Square Billboard kung saan ay featured ang sinusuportahan nilang loveteam.

“And the surprise is out! Witness the teaser for DonBelle’s LICB movie revealed at NYC Timesquare Billboard,” sulat ng @titasofdonbelle sa kanilang caption.

Hindi lamang sa New York may pa-billboard ang fans ng DonBelle dahil umabot din ito sa Gangnam, Korea at Zurich, Switzerland na isa lang naman sa mga malalaking siyudad sa nasabing mga bansa!

Credit: @titasofdonbelleofficial Instagram

“DonBelle conquers Gangnam, South Korea!”

“DonBelle conquered their dream destination, Switzerland 🇨🇭 Switzerland indeed has nice sceneries and seeing DonBelle’s digital billboard around the streets of Zurich is a dream come true. 🥰”

Credit: @titasofdonbelleofficial Instagram

Dahil dito, mas naging espesyal pa ang selebrasyon sa ikalawang anibersayo ng DonBelle. Hindi inaakalang papatok ang kanilang tambalan sa publiko, isa itong napakalaking achievement, hindi lamang para kay Donny at Belle kung hindi para na rin sa kanilang supportive na fans.

Napakabongga naman ng DonBelle fans! Talagang walang duda na ang tambalan nina Belle at Donny ang susunod na “Big Loveteam”!

Credit: @titasofdonbelleofficial Instagram

Matapos inanunsyo ang pelikulang muling pagbibidahan ng DonBelle, halos hindi na makapaghintay ang kanilang fans na mapanood silang muli sa “Love is Color Blind”. Of course, panibagong saya at kilig na naman ang hatid ng dalawa sa screen!