Fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada, sinagot ang tanong kung hahayaan pa rin si Alex na mag-artista at mag-vlog kahit na kasal na sila

Marami na tayong narinig na kwento ng paglisan ng isang artista sa makinang sa mundo ng showbiz para mamuhay ng simple at tahimik kasama ang kanyang non-showbiz partner. Hindi mo lubos akalain na kaya rin itong gawin ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Credit: Alex Gonzaga Instagram     

Ayon kay Alex, handa siyang iwanan at itigil ang lahat ng kanyang mga ginagawa ngayon bilang isang celebrity kung ito ang kagustuhan ng kanyang mapapangasawa na si Lipa City councilor Mikee Morada.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ito ang inamin ni Alex sa panayam sa kanya ng kanyang ate na si Toni Gonzaga sa isang episode ng ABS-CBN Star Cinema show na ‘I Feel U’ na mapapanood online.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sa online show ay tinanong ni Toni si Alex kung handa ba itong talikuran ang lahat para kay Mikee. Sagot ni Alex, “Oo kasi, yes because, alam ko na kaya sasabihin sa akin ni Mikee ‘yun dahil meron talagang importante at reasonable na reason kaya niya gagawin ‘yun.”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

May tiwala naman daw si Alex kay Mikee na kaya gusto nitong patigilin siya sa pag-aartista ay dahil may importante at valid itong dahilan.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Aniya, “In reality, hindi naman niya hahayaan na talikuran ko ‘yung something na alam niyang nag-e-enjoy ako. So, alam ko ‘pag sinabi niya ‘yun meron talagang importanteng rason na talagang I need to do it.”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sa opinyon naman ni Mikee ay ayaw niya ring maging ‘selfish’ at gustuhing iwanan ni Alex ang isang bagay na mahal nitong gawin para lang sa kanya.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Naniniwala si Mikee na dapat ‘partner’ sila sa paggawa ng desisyon at pareho silang mag-grow sa kanya-kanya nilang career.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Paglalahad ni Mikee, “Ayoko kong palitan niya ‘yung buhay niya para sa akin. Dapat partners kami. So, ang palagi ko ngang sinasabi sa kanya, ‘yan mag-grow ka sa sarili mong career, mag-grow din ako.”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Samantala, apat na taon nang magkasintahan sina Alex at Mikee. Masayang-masaya sila Alex at Mikee na nagtagal ang kanilang relasyon na nagsimula nang ipakilala si Mikee ng kaibigan nitong si Kapamilya actor Piolo Pascual kay Alex. Kamaikalan lang din nang ma-engage ang dalawa at inaabangan na ng lahat ang kanilang pag-iisang dibdib.