Maraming nagsasabi na isa ang Surfing sa pinakamahirap na matutuhan na sports. Ang pagiging mahusay na surfer ay nangangailangan ng maraming oras sa pagsasanay, pasensya at determinasyon.
Credit: @chepoxz Instagram
Ngunit sa Pilipinas, mayroong isang tao na kilalang mahusay at matapang na sinasabayan, sinasakyan ang mga alon gamit ang kanyang surf board.
Ilang beses nang pinahanga ng professional Pinoy surfer na si Philmar Alipayo ang mga netizen dahil sa kanyang galing sa surfing at maging sa diving na isa ring water sport.
Credit: @chepoxz Instagram
Noong December 2020, ibinahagi ni Philmar ang isang larawan kung saan makikita siyang nag-freedive ng 14 metro sa ilalim ng dagat.
At nito lamang February 6, muli na namang pinahanga ni Philmar ang mga netizen matapos niyang i-post sa kanyang Instagram account ang isang litrato kung saan makikita siyang nasa loob ng isang alon.
Tanging mga “tube master” at mahusay na surfer lamang ang nakakagawa ng ginawa ni Philmar na tinatawag din sa mundo ng surfing bilang “tube riding” o ang pagsakay nang maayos sa loob ng isang curve o bariles ng isang alon.
Credit: @chepoxz Instagram
Kaya naman bilib na bilib ang mga netizen matapos makita ang larawan ni Philmar na swabeng nagsi-surf sa loob ng isang alon.
Bukod kay Philmar, umani rin ng maraming papuri ang photographer na kumuha sa kanyang nakakabilib na larawan. Narito ang ilang komento ng netizens:
“wow perfect!!! galing ng photographer”
Credit: @chepoxz Instagram
“galeng ng kumuha ng pic! nagsusurf pa yan backward!”
“ang angas naman talaga”
“Grabe no, parang nakikipaglaro lang sa tubig”
Maraming surfing competition nang sinalihan si Philmar at isa na rito ang kauna-unahang Philippine Surfing Championship Tour event na ginanap noong 2017 sa Siargao kung saan ay itinanghal siya bilang champion.
Credit: @chepoxz Instagram
Mas umugong naman ang pangalan ni Philmar nang maging kasintahan niya ang aktres na si Andi Eigenmann.
Matatandaan na noong 2018, kinumpirma nina Philmar at Andi ang kanilang relasyon na umani naman ng samu’t saring komento mula sa publiko.
Tila nalagpasan naman nina Philmar at Andi ang mahirap na yugto sa kanilang relasyon at ngayon nga ay masaya na silang namumuhay kasama ang kanilang dalawang anak na sina Lilo at baby Koa.
Mainit din na sinusubaybayan ng mga tao sa social media ang kanilang simple ngunit masayang buhay at pamilya.
Credit: @chepoxz Instagram
Inanunsyo nina Philmar at Andi noong December 2020 ang kanilang engagement. Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na detalye ang celebrity couple kung kailan at saan gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib.