Noong January 5, ginulat ng actress-singer na si Janella Salvador ang lahat matapos niyang kumpirmahin ang mga espekulasyon na siya ay isa nang ina. Sa pamamagitan ng isang vlog ay inanunsyo ni Janella at ng kanyang nobyo na si Markus Paterson na sila ay mga ganap ng mga magulang.
Credit: @superjanella Instagram
Jude Trevor Paterson, ito ang ipinangalan ng magkasintahan sa kanilang unang anak. Base sa inilabas na vlog nina Janella at Markus, October 2020 isinilang si baby Jude. Sa ngayon nga ay tatlong buwang gulang na si baby Jude.
Ibinabahagi naman ni Janella ang ilang videos at larawan nila ni baby Jude habang nagbo-bonding sa London.
Hanggang ngayon kasi ay sa hometown pa rin ni Markus sa London, United Kingdom nananatili si Janella kasama ang kanyang ina at kapatid.
View this post on Instagram
Samantala, kinaaliwan naman ng maraming netizens ang video na ibinahagi ni Janella sa kanyang Instagram story kung saan mapapanood siyang hinehele si baby Jude sa pamamagitan ng pagkanta sa jingle ng kape na kanyang ini-endorse.
Madalas nating marinig sa coffee TV commercial ni Janella ang kantang “Sweet Linamnam” na siya mismo ang kumanta.
Marami nga ang natuwa matapos gawing isang lullaby ni Janella ang nasabing kanta para patulugin ang kanyang anak.
View this post on Instagram
Ilang netizens din ang naaliw dahil hindi lang pala pang-commercial ang kanta ni Janella kundi pwede ring pampatulog sa mga sanggol.
Biro pa ng ilang netizens, naubusan na umano si Janella ng mga kanta na makakapagpatulog sa kanyang anak kaya naman ginamit na lamang niya ang jingle ng kape na ini-endorse niya. Komento ng netizens:
Credit: @superjanella Instagram
“When you ran out of lullabies to send the baby to sleep… hahahaha”
“Ginawang kape ung pang patulog kay baby 😅”
“ang ganda pdin ng voice eh kahit great taste lang kinakanta bat ganun”
Para kay Janella, si baby Jude ang pinakamagandang regalo na natanggap niya.
Credit: @superjanella Instagram
Ngayon na isinapubliko na niya ang kanyang anak ay mas bukas na si Janella na ibahagi sa buong mundo ang kanyang journey bilang isang first-time mom.
Si Janella Maxine Desiderio Salvador ay anak ng mang-aawit na si Jenine Desiderio.
Una siyang sumabak sa pag-arte nang mapabilang siya sa 2012 hit TV series na “Be Careful with My Heart”.
Nag-iwan din siya ng marka sa pag-arte nang gumanap siya bilang Emma Bonaobra sa Kapamilya hit drama series na “The Killer Bride” kasama ang kanyang tiyahin na si Maja Salvador.