Former beauty queen na si Rachel Peters at CamSur Governor na si Migz Villafuerte, excited sa pagdating ng kanilang 1st baby!

Masayang ibinahagi sa Instagram ni Ms. Universe Philippines 2017 na si Rachel Peters ang magandang balita at blessing na dumating sa kanilang buhay.

Credit: @rachelpetersx Instagram

Sa nasabing Instagram post ibinahagi ng former beauty queen ang isang beach photo kung saan makikita ang kanyang baby bump.

“18 weeks of growing and loving you. You’re a dream come true our little chickpea,” caption sa IG post.

Makikita sa nasabing larawan ang saya at excitement ni Rachel sa pagdating ng kanilang munting sanggol.

Ganundin naman ang long time partner at fiancé nitong si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na ibinahagi din sa Instagram ang kanyang kasiyahan sa paparating na blessing.

Credit: @rachelpetersx Instagram

Sa nasabing post ng gobernador, makikita sa larawan ang kamay nito habang nakahawak sa baby bump ni Rachel at may caption na, “whos your daddy?” na may kasama pang emoji at hashtag na #beyondblessed.

Ang nasabing Instagram post ng magkasintahan ay inulan ng komento na punung-puno ng kasiyahan at excitement ng mga netizen pati na rin ng kanilang malalapit na kaibigan.

November 2018 nang ma-engaged ang magkasintahan subalit kinailangang i-postpone ang kanilang kasal dahil sa p@ndemya.

March 2020 ng ibahagi ni Rachel sa Instagram na hindi na matutuloy ang kanilang kasal sa itinakdang araw nito.

Credit: @rachelpetersx Instagram

“Everything is up in the air at the moment,” ani Rachel.

“We’re happy, we’re good, we’re safe, that’s what matters. And all our friends and family are safe, too.”

Sinabi ni Rachel na hindi man natuloy ang kanilang kasal, mahalaga sa kanila na sila ay masaya at malusog pati na rin ang kanilang mga kaibigan at kapamilya.

Ikinuwento din ni Rachel na nakahanda na ang lahat para sa kanilang kasal na gaganapin sa Indonesia. Subalit isang buwan bago ang kasal nang magsimula ang qu@rantine at ipatupad ang mga health protocol dahilan upang hindi matuloy ang kasal.

Credit: @rachelpetersx Instagram

Gayunpaman, sa kabila ng mga pangyayaring hindi inaasahan, isang magandang balita ang ngayo’y kanilang natanggap na pumawi sa anumang hindi magandang nangyari at nagbigay ng lubos na kasiyahan sa magkasintahan.