Kailan ba nakararanas ng plain at boring na araw ang nag-iisang Francine Diaz?
Credit: @francinesdiaz Instagram
Sikat at patok ngayon sa mga manonood ang Korean series na “All Of Us Are De@d” na kasalukuyan ngayong ipinapalabas sa Netflix. Grupo ng hayskul students ang mga bida, talagang nabihag nila ang puso at atensyon ng netizens lalo na ang kapwa nilang mga kabataan at isa na nga sa na-hook sa series na ito ay si Francine Diaz!
Isa si Francine Diaz sa mga promising na batang artista sa lokal na industriya ng showbiz ngayon. Dahil sa kanyang angking kagandahan at kahusayan sa pag-arte na ipinamalas niya sa bawat proyektong pinagbidahan at kinabilangan niya, naging matagumpay si Francine sa pagbuo ng kanyang pangalan at reputasyon sa napakamurang edad.
Simula nang ipinalabas ang pinakaaabangang Korean series, talagang pumatok sa netizens ang mga bida sa nasabing series lalo na’t ang gaganda at gugwapo nila. Kaya naman talagang mahaba ang “pila” ng fans at supporters ngunit tila’y hindi na kinakailangan pa ni Francine na pumila at maghintay na mapansin dahil kusa lang naman siyang pinansin ni Yoon Chanyoung, ang aktor na gumanap sa karakter ni “Cheong-san”.
Credit: @francinesdiaz Instagram
Sa naramdaman niyang magkahalong emosyon, hindi napigilan ni Francine na i-flex ang mensaheng natanggap niya galing kay Yoon Chanyoung at ibinahagi sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng pag-DM ng aktor sa kanya.
Kahit simpleng wave lamang ang natanggap niya kay Yoon Chanyoung, labis itong ikinasaya ng batang aktres dahil sadyang napakabihirang pagkakataon ang mapansin ng ating iniidolo.
“Ikamam@tay ko ‘to!!!😭😩❤️ Cheong san!!! Saranghae!!!❤️,” sulat ng batang aktres sa mismong screenshot na ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story.
Credit: @yooncy1 Instagram
Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam ng labis na kasiyahan kapag nakatanggap ng mensahe mula sa ating idol? Kahit na’y super sikat bilang isang aktres dito sa Pilipinas, hindi pa rin napigilan ni Francine na magulat nang mapansin siya ni Yoon Chanyoung.
Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang Instagram Story ang larawan ni Yoon Chanyoung kalakip ng isang pulang heart emoji.
Credit: @francinesdiaz Instagram
Bibihira lamang ang mapansin ng ating iniidolong artista kaya naman talagang abot-langit ang kasiyahan at gulat na naramdaman ni Francine. Talagang walang pila-pila para sa isang babaeng pinagpala!