Francine Diaz, pina-wow ang maraming netizens sa kanyang summer photos!

Maagang namulat sa kahirapan ang ‘Kadenang Ginto’ actress na si Francine Diaz. Kaya naman noong siya ay nabigyan ng pagkakataon na mag-artista, naging inspirasyon niya ang kanyang pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya para magpursige.

Credit: @francinesdiaz Instagram

Bago pasukin ang mundo ng pag-arte, nagsimula muna si Francine bilang isang commercial model sa edad na 12.

Unti-unti namang umusbong ang karera ni Francine dahil sa kanyang taglay na kagandahan na talaga namang hinahangaan ng marami.

Credit: @francinesdiaz Instagram

Matatandaang ang kauna-unahang proyekto sa telebisyon ni Francine ay ang teleseryeng Pasión de Amor kung saan gumanap siya bilang ang batang Sari Elizondo.

At simula nang mag-debut siya sa showbiz ay nagtuloy-tuloy na ang karera sa pag-arte ni Francine. Ilan sa kinabibilangang Kapamilya teleserye ni Francine ay ang ‘Be My Lady’, ‘We Will Survive’, ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’ at ‘The Blo0d Sisters’.

Credit: @francinesdiaz Instagram

Ngunit maituturing na big break sa showbiz ni Francine ang drama seryeng Kadenang Ginto kung saan ay nakilala siya bilang si ‘Cassie Mondragon’. Sa palabas, ipinamalas ni Francine ang kanyang talento sa pag-arte kasabayan ang ilang mahuhusay at beteranong aktres at aktor sa industriya.

Maliban naman sa pagiging mahusay na aktres, marami rin ang humahanga sa taglay na natural na kagandahan ni Francine.

Credit: @francinesdiaz Instagram

Kamakailan lamang ay umani ng papuri si Francine dahil sa kanyang taglay na kagandahan na makikita sa ibinahagi niyang mga larawan sa kanyang Instagram account.

Suot ang isang simpleng nude dress ay nagmistulang isang modern-day dalagang Filipina si Francine sa isa niyang larawan kuha mula sa kanyang photoshoot para sa isang clothing brand.

Credit: @francinesdiaz Instagram

Summer-inspired naman ang tema ng iba pa niyang mga magagandang letrato. Sa mga letrato ay blooming at napaka-fresh ni Francine sa kabila ng kasimplehan ng kanyang suot na mga damit.

Highlight din sa kanyang mga larawan ang kanyang napakagandang mata at ang kanyang ‘no makeup’ makeup look.

Credit: @francinesdiaz Instagram

Talaga namang habang tumatagal ay mas lalong gumaganda si Francine dahilan kung bakit dumarami ang humahanga sa kanya.

Credit: @francinesdiaz Instagram

Inaabangan naman si Francine ngayon ng kanyang fans sa teleseryeng ‘Huwag Ka Nang Mangamba’.