Open naman sa publiko ang katotohanan kung gaano kalapit sa mga aso ang couple na sina Megan Young at Mikael Diaz sa puntong itinuturing na nilang totoong anak ang mga ito.
Credit: @mikaeldaez Instagram
Dalawang taon naman matapos ikasal, inamin ng “coolest couple” na wala pa sa kanilang plano ang magkaroon ng anak. Sa ngayon, abala si Megan at Mikael sa pag-eexplore, pag-eenjoy sa kanilang time nang magkasama, at dahil parehong mapagmahal sa mga aso, abala ang dalawa sa pag-aalaga at pag-aasikaso kay Soba na siyang pangalan sa kanilang poodle.
Bagama’t mapapansin man sa updates, mga larawan at videos na ibinabahagi ng couple sa kani-kanilang social media accounts kung gaano kasaya ang alagang aso sa kanilang piling, sumagi pa rin sa isipan ng dalawa ang ideya na bigyan ng makakasama ang kanilang natatanging aso kaya mutual nilang napagdesisyunan na mag-adopt pa ng isa na ayon kay Mikael ay kapatid umano ni Soba sa ibang ama.
Credit: @mikaeldaez Instagram
Dahil sa magkahalong excitement at sayang nararamdaman, ipinakilala ni Mikael ang bagong miyembro sa kanilang pamilya na isang kulay black na poodle na kung tawagin nila ni Megan bilang si Chia.
“Our family is growing!” pahayag ng aktor.
“First there was one, and now we have two!! Introducing Chia— the dark knight of our family 😝😍 She’s actually the younger sister of Soba from another mister.”
Pagkukuwento pa ni Mikael, nahulog umano kaagad ang damdamin nila ni Megan nang una nilang nakita si Chia kaya wala umanong pagdadalawang-isip bago sila humantong sa decision na i-adopt ito.
Credit: @mikaeldaez Instagram
“This sudden family growth came as a surprise but when we had our grand EB with Chia, it was love at first sight ❤️❤️❤️,” ayon sa aktor.
Super saya sa kanilang lumalaking pamilya, buong araw na nakipaglaro ang fur parents kay Soba at Chia kung saan ay inamin niya na mahirap kunan ng picture ang bago nilang “baby” dahil nalilito umano siya kung nasaan ang ulo at buntot nito dahil sa kulay nito.
Pagbabahagi pa ng aktor, “careful” umano sila ni Megan sa pagpapakilala sa kanilang dalawang aso. Nang kaagad na nagkasundo at nagustuhan ang isa’t-isa, malaki ang naging ginhawa at pagpapasalamat ni Mikael.
Credit: @mikaeldaez Instagram
“Chia has been a playful baby while Soba has been an open but socially awkward ate,” paglalarawan ni Mikael sa “babies” nila ng asawa.
Hindi simpleng pets lamang ang turing ng mag-asawang si Megan Young at Mikael Diaz sa kanilang mga aso na sina Soba at Chia dahil para sa kanila, “babies” umano nila ang mga ito na labis namang ikinatuwa ng kapwa nila fur parents.