Hindi pa nga araw ng mga puso pero ramdam na ramdam na ang kilig nang muli na namang nagsama at nag-date ang couple na si Khalil Ramos at Gabbi Garcia!
Credit: @gabbi Instagram
Simula nang ibinunyag ang kanilang relationship noong taong 2018, isa na si Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa mga couple na talagang sinusubaybayan ng karamihan. Hindi lamang dahil sa kanilang good looks o pagkakaroon ng chemistry kung hindi ay dahil sa kanilang nakaka-sana all na moments.
Isa lamang si Gabbi at Khalil sa mga couple na nakahanap ng pagmamahal sa showbiz at sa kabila ng busy nilang schedule at napakaraming problemang kaakibat ng pagiging artista, nagawa pa rin ng dalawa na ipagpatuloy ang kanilang relasyon at sa loob ng apat na taon nilang pagsasama, patuloy pa rin silang pinagtitibay ng panahon.
Credit: @gabbi Instagram
Malayo pa man ang Valentine’s Day at kahit wala mang ipinagdidiwang na importanteng occasion, minabuti pa rin ni Khalil at Gabbi na magkaroon ng simpleng camping trip.
Credit: @gabbi Instagram
Sa Instagram, ipinasilip ng 23 taong gulang na aktres ang kanilang camping date kung saan ay mapapanood sa ibinahagi niyang video ang itinayo nilang tent, maliit na lamesa na may mga pagkain, at sasakyan. Napapalibutan ng mga puno, talagang napakamaaliwalas ng lugar, perfect para sa kanilang trip!
“what a perfect day looks like ♡,” sulat ni Gabbi sa kanyang caption.
View this post on Instagram
Sa isa pa niyang post, ikinuwento ng aktres na ang ginamit nilang tent sa kanilang trip ay ang parehong tent na pagmamay-ari ng kanilang pamilya na hindi umano nagamit sa napakahabang panahon.
“same same but different 💓,” aniya. “trivia: the tent that we’re using now for camping is still the same tent we’ve been using since we were kids! 🙆🏽♀️ (refer to the 3rd & 4th photo) I was about 3 or 4 years old in these photos. This was the last time we used this tent, until today.”
Credit: @gabbi Instagram
Nagpahayag naman ng kilig sa comment section ang iilang kaibigan nila sa showbiz at of course, ang kanilang fans na walang-sawang sumusuporta sa kanila ni Khalil.
“Cute naman ❤️❤️❤️,” komento ni Tim Yap.
“Sowsssss,” panunukso naman ni Dominic Roque.
“Sweet and awesome couple😍❤️ Sana all❤️❤️❤️”
Credit: @gabbi Instagram
“Omg you guys are looking awesome 🇰🇪🇰🇪🔥🔥🇰🇪🔥🔥🔥”
Samantala, nagbahagi naman ng mga larawan mula sa kanilang trip si Khalil sa kanyang sariling Instagram account kung saan ay makikitang magkayakap at nag-eenjoy sila ni Gabbi sa napakagandang tanawin.
Ayon sa aktor, “Yesterday felt like a montage that I didn’t want to end… 🖤”
Simple man, wala namang makakatalo sa kilig, kasiyahan, at memories na nagawa ni Khalil at Gabbi!