Gaming sensation Alodia Gosiengfiao, ibinida ang kanyang mas defined na pigura matapos magpa-lip0suction!

Ang industriya ng online gaming sa bansa ay patuloy na nakakakuha ng maraming atensyon. Sa paglipas ng panahon, parami nang parami ang mga Pinoy na nahuhumaling at sumisikat dahil sa paglalaro ng online games. Naging patok din ang mga online games lalo na sa panahon ng p@ndemya kung saan kaliwa’t kanan ang gumagawa ng livestream gaming.

Credit: @alodia Instagram

Isa naman sa mga pinakakilalang gamer sa bansa ay ang actress-vlogger at gaming sensation na si Alodia Gosiengfiao.

Matatandaang bago sumikat bilang isang gamer, unang nakilala sa showbiz si Alodia bilang isang magaling na cosplayer. Talagang mapapa-wow ang kahit sino dahil sa mga cosplay costume ni Alodia kung saan gayang-gaya niya ang ginagaya niyang game character.

Malaking factor naman ang pagko-cosplay upang magdesisyon kamakailan si Alodia na sumailalim sa isang 360 lip0suction procedure.

Sa isang vlog na in-upload ng Belo Medical Group, ibinahagi ni Alodia ang dahilan kung bakit gusto niyang magpa-lip0.

Credit: @alodia Instagram

Tulad ng karamihan, mayroon umano siyang mga taba sa kanyang katawan na hindi niya maalis sa pamamagitan lamang ng pagda-diet at pag-eehersisyo. Dagdag niya, tuwing sinusuot niya ang kanyang cosplay costume, itinatago umano niya ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng corsets para ma-achieve niya ang mas depinang “hourglass shape”.

“Recently I’ve been wearing a lot of corsets for my costumes, ganyan.. I try to incorporate that para we have, like, a nice hourglass shape. Before, I can do spandex, latex, ganyan, okay lang. My silhouette was okay,” ani Alodia.

“But now syempre, I try to compensate. I try to make it better through other ways pero sana mabalik lang what we can do before,” patuloy niya.

Nagsagawa ng 360 lip0suction ang mga doktor kay Alodia, kung saan inalis nila ang labis na taba sa kanyang itaas at ibabang tiyan, at baywang habang inilipat naman ang ilang taba sa balakang ni Alodia. Bukod dito, nagpa-chin filler din si Alodia.

Mula nga sa waist size na 27 inches ay naging 24 inches na lamang ang waistline ni Alodia. Talagang literal na “no sweat” dahil hindi na kailangan magpapawis para ma-achieve ang mas maliit na baywang.

Credit: @alodia Instagram

Pagkatapos ng ilang linggo, proud namang ipinakita ni Alodia ang resulta ng ginawa nilang lip0suction. Kitang-kita sa mukha ni Alodia ang tuwa lalo pa’t hindi na niya kailangang magsuot ng corset para itago ang kanyang puson.

Sa huli, sinabi ni Alodia na “best investment” para sa kanyang katawan ang desisyon niyang magpa-lipo.

Aniya, “This is one of the best investments you can do to your body kasi we’re always pressured by time, so siyempre, you want to look good in your prime years or sana ma-extend para forever young.”