Ganito ka-protective si Sheena Halili sa kanyang anak na si baby Martina ngayong p@ndemya

Walang gustong pagsisihan sa huli, talagang todo ang proteksyon na ibinibigay ni Sheena Halili sa kanyang anak na si baby Martina ngayong panahon na punong-puno ng pangamba dahil sa p@ndemya.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Walang pinipiling biktima ang kinatatakutan nating viru$ dahil bata o matanda man ay talagang nagsu-suffer at nahahawaan ng sakit kaya naman labis ang protection ng mga magulang sa kani-kanilang anak katulad na lamang ni Sheena Halili na aminadong ‘praning’ siya ngayon sa kalusugan ni baby Martina Candice lalo na’t patuloy pa rin sa paglaganap ang viru$.

Ngayon na isa ng Mommy si Sheena Halili, priority niya ngayon ang kanyang baby girl. Of course, bilang isang magulang, talagang wala siyang ibang hangad kung hindi ay maprotektahan ang anak sa banta ng c0vid-19 kaya naman kahit marami ang nawe-weirdohan sa kanyang ginagawang ‘kapraningan’, handa umano siyang mapagtawanan basta’t safe lamang si baby Martina.

Sa mga larawang sunod-sunod niyang ibinahagi sa kanyang Instagram Story kumakailan lamang, ikinuwento ng aktres kung paano niya pinoprotektahan si baby Martina habang naghihintay at nang nasa loob na ng isang elevator.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Sheena na karga-karga niya si baby Martina habang nakasuot sila ng ‘rain cover’.

At dahil baby pa si baby Martina at hindi pa nakakapagsuot ng mask kapag lumalabas sa kanilang bahay, nagkaroon ng maganda at creative na idea ang aktres at naisip na balutin na lamang ang sarili ng ‘rain cover’ habang kinakarga ang anak.

“Ladies and gentlemen ang praning na nanay ni Martina 😅,” pahayag ng aktres.

At dahil baby pa, hindi ‘advisable’ ang pagsusuot ng mask kaya naman talagang protective si Sheena sa kanyang baby girl.

Credit: @mysheenahalili Instagram

“Di pa nakakapag mask si Martina 😔 Alam ko nakakapagod na minsan kahit anong ingat naten tinatamaan parin sila ng sakit. Pero atleast binibigay naten best naten to protect them. Walang “sana pala,” page-explain ni Sheena.

Talagang natagalan pa ang mag-ina sa paghihintay ng elevator dahil ayaw ng aktres nang may kasabay bilang pag-iingat na rin.

“Ang tagal namin naghintay! Dahil ayaw namin may kasabay sa elevator 😜,” ayon sa aktres.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Aminado naman ang aktres na nakakaramdam siya ng hiya sa mga taong nakakakita sa kanila pero sure naman siya na maiintindahan ng karamihan ang ginagawa niya.

“WALA! Nakakahiya pero alam ko maiintindihan nila 😂,” sabi ni Momshie Sheena.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Bilang isang magulang, nakakagawa talaga tayo ng mga bagay dulot ng ating ‘kapraningan’ pero sino nga ba ang makakapag-judge kung wala naman tayong ibang kagustuhan kung hindi ay huwag mailagay sa kapahamakan ang anak.