Ganito pala nagsimula ang “friends turned to lovers” na love story ng magkasintahang Angel Locsin at Neil Arce

Pinatunayan ng magkasintahang Angel Locsin at Neil Arce na minsan, ‘yung taong hinahanap natin na magmamahal sa atin nang wagas ay nasa harap lang pala natin. Sa haba kasi ng pagkakaibigan nina Angel at Neil ay nauwi ito sa pag-iibigan.

Credit: Angel Locsin Instagram          

Sa kanilang sit-down vlog nitong October 16, ay masayang ikwenento ng magkasintahan ang kanilang love story.

Pagsisimula ni Neil sa vlog, “Well, we started as friends in 2010. After 7 years, we started dating. Actually, we went through a lot as friends.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Unang nakita raw ni Angel si Neil nang magpunta ito sa kanyang bahay. Kwento ni Angel, “The first time I saw him he went to my house. Actually, we are group of broken hearted people…”

Credit: Angel Locsin Instagram

Dagdag ni Angel, “The funny thing is, for 7 years, we call each other “bro”. I set him up with other girls or someone he can run to when he has a problem. He was my confidante. So if I need a friend, he’s that friend.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Sa tagal nga raw ng pagiging magkaibigan nila ay unti-unti na nilang nararamdaman na nahuhulog na sila sa isa’t isa.

Credit: Angel Locsin Instagram

Ani Angel, “Umabot kami sa point na hindi na namin pwedeng kausapin ‘yung isa’t isa kasi ‘yung taong ikwe-kwento namin ay ‘yung isa’t isa. Parang ang hirap. Na-experience n’yo na ba na ‘yung taong go-to n’yo sa mga problem n’yo sa puso eh ‘yung taong hindi n’yo makausap kasi siya ‘yun.”

Credit: Angel Locsin Instagram

Ibinunyag naman ni Neil na nalaman umano niya na may nararamdaman si Angel para sa kanya nang isang araw ay hindi na ito nagre-reply sa text messages niya.

Credit: Angel Locsin Instagram

Ani Neil, “Naalala ko one time, kasi ‘yung friend ko nakatira sa akin nung time na ‘yun… nagpunta siya dito kina Angel. Si Angel daw nagtanong ng opinyon kung anong opinyon nila kung iri-risk ba ‘yung friendship para maging relationship…Na-realize ko hindi na siya nagre-reply sa text ko. Punta kaagad ako sa [bahay niya]…”

Credit: Angel Locsin Instagram

Hindi na masyadong idinetalye ng magkasintahan kung paano nila inihayag sa isa’t isa ang kanilang tunay na nararamdaman.

Credit: Angel Locsin Instagram

Sa huli, ibinahagi ni Angel ang isa sa mga advantage ng kanilang “friends-turned-to-lovers” relationship.

Credit: Angel Locsin Instagram

Ani Angel, “Siguro isa sa mga positive na pwede naming ma-share sa inyo kapag nakatuluyan mo is isa sa mga bestfriends mo, ‘hindi ka matatakot na mag-isa ka sa buhay’. Alam mo ‘yun? Kasi may nagiging partner ka minsan sa buhay mo na parang mag-isa ka pa rin… Pero kapag magkaibigan kayo ‘pag nandun na ang foundation ninyo talagang mararamdaman mo na hindi ka nag-iisa. Kumbaga may partner ka sa life na hindi ka papabayaan…”

Credit: Angel Locsin Instagram

Taong 2018 nang kumpirmahin ni Angel ang relasyon nila ni Neil. Noong nakaraang taon naman ay ginanap ang kanilang engagement.