Ganito pala nagsimula ang love story ni Maja Salvador ng kanyang fiance na si Rambo Nuñez

Bago ma-engaged sa isa’t-isa kumakailan lamang, ano nga ba ang kuwento sa likod ng special na event sa buhay ni Maja Salvador at Rambo Nuñez?

Credit: @maja Instagram

Marahil ay karamihan sa atin ay walang alam na dati na palang magkasintahan si Maja at Rambo ngunit dahil sa nature ng kanilang profession, nag-break ang dalawa at matapos ang 10 taon, muli nilang nahanap ang sarili sa piling ng isa’t-isa.

Akalain mo ‘yun? Isang dekada silang nawalay pero natagpuan pa rin nila ang inaasam na pagmamahal sa isa’t-isa! Tunay nga na ang storya ng kanilang pag-iibigan ay hindi napipigilan ng mabilis na paglipas ng mga taon.

Unang nagkita at nagkakilala ang dalawa noong 21 taong gulang pa lamang ang aktres pero kalaunan ay nag-break din dahil pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho lalo na’t hindi biro para kay Maja ang buhay bilang isang aktres at abala rin si Rambo sa pagma-manage ng kanyang mga negosyo.

Credit: @maja Instagram

Sa isang interview kasama ang Metro Style, ibinahagi ni Rambo na hindi talaga niya inaasahang magkakabalikan sila ni Maja pero dahil ang tadhana na ang gumagawa ng paraan upang magkatagpo ang dalawa, ang noo’y inaakalang “zero” na chance ay umangat pa nang umangat.

Bagama’t isang dekada man silang magkalayo, hindi pa rin nagbabago para kay Rambo na si Maja umano ang kanyang “The One”.

“I think so,” sabi niya. “I guess, even before, it just made sense. We were brought back together and nothing has changed… What I saw in her before is still the same thing—proof that she’s probably ‘The One’ despite those 10 years.”

Credit: @maja Instagram

Ayon kay Maja, marami umano silang random na pagkikita ni Rambo bago sila nagkabalikan. Dumating na lamang umano ang pagkakataon na hiningi ni Rambo ang number niya na kaagad namang ibinigay ng manager ng aktres na siyang nagsilbing Cupid.

Kahit na’y nagkakaroon ulit ng communication, hindi umano ito kaagad na umubra dahil sa rule na hindi sila bumabalik sa ex hanggang ang simpleng text ‘nung holidays ay mas lumalim pa.

Buwan ng February nang nagbahagi ng larawan ng flowers si Maja sa Instagram at doon nalaman ng mga taong malalapit sa kanila na nagkabalikan ang dalawa.

Credit: @maja Instagram

“Nagkasama kami ng Valentine’s Day. ‘Yun ‘yung Valentine’s Day na nagbigay siya ng flowers na ‘Thanks for being my Valentine after nine years.’ Nagtuloy-tuloy. February, naging kami,” sabi ni Maja.

Pareho man na may paninindigang ayaw bumalik sa ex, may kasabihan naman na ang nag-eexist ang rules upang suwayin at ngayon, engaged na sila!