Isa ang pamilyang Alawi ngayon sa mga labis na hinahangaang family sa mundo ng lokal na showbiz. Makikita naman sa vlogs ni Ivana Alawi kung gaano sila ka-close sa isa’t-isa kaya naman palagi silang inaabangan ng kanilang fans dahil sa good vibes na hatid nila.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Of course, normal na para sa pamilyang Alawi na mag-enjoy at mag-bond sa pamamagitan ng iba’t-ibang masaya at bonggang challenges. Sa pinakaunang vlog na ibinahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel ngayong Abril, ipinaliwanag ng aktres kung paano gagawin ang “I’ll Buy Everything You Can Carry” challenge.
Unang sumubok sa nasabing challenge si Mommy Fatima kung saan ay humakot ito ng iba’t-ibang ingredients, pagkain at kung anu-ano pa sa Landers. Halos hindi naman makapaniwala ang netizens sa bill na binayaran ni Ivana na 27,000 pesos!
Credit: Ivana Alawi YouTube
Matapos magpunta sa grocery store, nagtungo naman sina Ivana sa mall kung saan ay nag-shopping ng mga damit sina Mona, Hash, Amira, at ang staffs ng aktres– hairstylist, driver, videographer, at P.A. Maliban sa kanila, may inimbitahan din na bystander ang vlogger na sumali sa kanilang challenge na sobrang game namang humakot ng mga damit.
Sa challenge na ito, mahigit 300,000 pesos ang nagastos ni Ivana. Sa sobrang laki ng binayaran niya sa loob lamang ng isang araw, hindi naman nagsisi ang Pinay vlogger lalo na’t sapat na umano ang kapalit nito na mga masasayang ngiti ng kanyang pamilya at staff.
Nang tinanong ng lalaking kapatid na si Hash kung natakot ba umano si Ivana sa sobrang laki ng perang nagastos niya, isa namang humble na pahayag ang naging sagot ng aktres.
“Hindi. Kuntento na ako sa mga ngiti niyo at mga sigaw niyo. I’m happy with that. You know, it’s unbuyable,” nakangiting sabi ni Ivana.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Tunay nga naman na wala nang iba pang lalamang sa ngiti at kasiyahang nararamdaman ng mga taong mahal natin sa buhay. Bukod sa kanyang kagandahan, labis din na kinabibiliban si Ivana dahil sa kanyang mabuting personalidad. Nasa harap o likod man ng kamera, masasabi talaga na isa siyang responsableng anak at mapagmahal na kapatid.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Dahil sa engrandeng challenge na ito, marami sa kanyang fans ngayon ang napapahiling na sana’y may sariling Ivana Alawi rin sila sa kanilang buhay.