Gavin Kramer, mukhang susunod sa yapak ng kanyang Daddy Doug Kramer sa larangan ng basketball

Hindi lamang pisikal na anyo ang tanging naipapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil kahit kakayahan ay naipapamana rin nilal katulad na lamang ng bunso at natatanging lalaking anak ng couple na si Chesca Garcia at dating PBA member na si Doug Kramer na si Gavin.

Credit: Team Kramer Facebook

Unang nakilala si Doug Kramer sa larangan ng basketball dahil sa kanyang talento, husay, at skills sa nasabing sport. Simula pa man noong kabataan niya, ibinahagi ni Doug na mahilig na talaga siya sa paglalaro ng basketball kaya sa paglipat niya sa Manila, miyembro siya sa team ng Ateneo de Manila University.

Sa kanyang buong career bilang athlete, hindi kailanman binigo ni Doug ang kanyang fans. Bagama’t perfect man ang kanyang height para sa sport, pinagsisikapan pa rin niya ang pagte-train. Kahit nag-retiro naman matapos ang 12 taong pananatili sa PBA, kilala pa rin siya bilang isa sa mga mahuhusay na manlalaro ng basketball.

Credit: Team Kramer Facebook

Matagal-tagal naman simula nang official niyang ibinalita sa publiko ang kanyang retirement sa PBA, nananatili pa rin ang pagmamahal ni Doug sa basketball. Sa kanyang hilig sa nasabing sport, naimpluwensyahan niya ang bunsong anak na si Gavin.

Ngayon na 9 taong gulang na si Gavin, mas nagpapakita na siya ng kanyang hilig sa pagba-basketball kaya naman hindi maitago ng Team Kramer ang kanilang kasiyahan ngayong nagawa na rin ng kanilang bunso na pisikal na makapaglaro at makapag-training kasama ang coach at team nito.

Martes, Mayo 18 nang nagbahagi ng mga larawan ang Team Kramer sa kanilang official na Facebook account kung saan ay makikita si Gavin na nakasuot ng basketball uniform habang nasa court. Ayon sa pamilyang Kramer, ikalawang taon na umano mula ngayon simula nang huling f2f na paglalaro ni Gavin ng basketball.

Credit: Team Kramer Facebook

Sa napakamurang edad, determinado talaga si Gavin sa pakikinig sa mga payo ng kanyang coach at pakikipagmabutihan sa kanyang teammates.

“He’s still young, so skills are still to be developed, but what I loved about him was how intent he was listening to his coaches for instruction. He would also follow his teammates in line to make sure he’d get the drills right when it would be his turn,” pahayag sa Facebook post ng Team Kramer.

Hindi lamang abilidad at skills ang kinakailangan sa paglalaro ng basketball dahil importante rin ang attitude na ayon sa Team Kramer ay mayroon naman si Gavin.

Credit: Team Kramer Facebook

Maaga pa man para sabihin pero mukhang may maliwanag at promising na future si Gavin sa larangan ng pagba-basketball.