Gelli de Belen, nakasama na muli ang mga anak na kasalukuyang nag-aaral sa Canada

Hindi talaga lubos na maipaliwanag ang pakiramdam ng isang ina kapag nawawalay sa kanilang mga anak dahil sa magkahalong pangamba at pangungulila kaya kapag nagkikitang muli, wala talagang makakapigil sa luha at emosyon na nararamdaman nila katulad na lamang ng Momshie na si Gellie de Belen na nito lamang ay sinurpresa at binisita ang mga anak sa Toronto, Canada.

Credit: @gellidebelen Instagram

Isang mahusay at versatile na aktres sa harap ng kamera na walang kahirap-hirap sa pagganap ng iba’t-ibang karakter, isa namang mapagmahal at sweet na Mommy si Gelli de Belen sa kanyang mga anak na sina Joaquin Rivera at Julio Rivera.

Credit: @gellidebelen Instagram

Bagama’t pareho namang binata ang mga anak ng couple na si Gelli at Ariel Rivera, nananatili pa rin silang baby sa mata ng aktres kaya nang parehong lumipad sa Toronto ang dalawa upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, talagang nangulila ang kanilang Mommy Gelli pero alam naman niya na para ito sa kapakanan at future nina Joaquin at Julio.

Matatandaang December noong nakaraang taon nang huli at magkasamang binisita ng couple ang kanilang mga anak sa Toronto at kumpleto ang kanilang pamilya sa holidays kaya medyo naibsan ang pangungulila ni Gelli sa kanyang mga anak. Matapos ang ilang buwan, napagdesisyunan ng aktres na bisitahin sina Joaquin at Julio nang walang prior na anunsyo.

Credit: @gellidebelen Instagram

Sa maikling video na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account, mapapanood ang pagkatok niya sa pinto at pagpasok sa apartment ng mga anak. Mapapansin naman sa reaksyon ng dalawang binata na mukhang hindi sila makapaniwala nang nakita ang kanilang Mommy Gelli hanggang niyakap niya ang mga ito at pinaulanan ng mga halik.

“So I decided to surprise my boys 😁 . They had no idea I was arriving in Toronto,” pagkukuwento ni Gelli. “They thought I had work and wouldn’t be able to visit this summer. Surprise!!!!”

Credit: @gellidebelen Instagram

Matapos ang busy na schedule ni Gelli sa bago niyang project kasama ang sikat na loveteam na Kathniel sa “2 Good 2 Be True,” talagang minabuti ng aktres na ilaan ang kanyang break sa Toronto kasama ang mga anak.

Ayon pa kay Gelli, “So happy to be with my big boys. #gratefulheart,” aniya.

Credit: @gellidebelen Instagram

Sa muling pagkikita at pagsasama ng mag-iina, talagang abot-langit ngayon ang kasiyahang nararamdaman ni Gelli lalo na’t matagal-tagal na rin simula nang huli siyang bumisita.