Gerald Anderson, masayang nangisda kasama ang nobyang si Julia Barretto

Isang buwan matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon, mas bukas na ngayon ang controversial couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na ipakita sa publiko ang mga kaganapan sa kanilang relasyon.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Noong April 13 lamang ay spotted sa isa na namang beach trip sina Julia at Gerald. Viral ang ilang litrato at video nina Julia at Gerald na nangingisda sakay ng isang yate.

Ipinost din ng aktor ang ilang litrato niya habang masayang nangingisda sa kanyang Instagram account.

Kakaibang saya ang makikita sa mukha ni Gerald sa mga litrato at halatang isa si Julia sa mga dahilan kung bakit sobrang saya niya ngayon.

Bukod sa kanyang mga litrato kung saan masayang-masaya siya habang hawak ang kanyang nahuling isda, ibinahagi rin ni Gerald ang litrato nila ni Julia.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Sa nasabing larawan, makikita silang dalawa na tinitingnan ang mga mata ng bawat isa ng puno ng kasiyahan at pagmamahal.

Tila ipinapahiwatig naman ni Gerald sa caption ng kanyang post na ang kanyang kasiyahan ngayon ay resulta ng kanyang matiyagang paghihintay sa aktres.

“The best things in life come with patience,” sulat ni Gerald sa caption.

Samantala, nag-post lamang si Julia ng isang litrato niya sa kanyang Instagram account kung saan ini-enjoy niya ang ganda ng dagat at sunset.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Ayon kay Julia, ang sandali na iyon ay maituturing niyang, “moments [that] she [lives] for”.

Nag-react naman ang maraming netizens sa ipinost ng mga litrato ni Gerald kuha mula sa kanilang beach trip.

Komento ng netizens, mukha umano talagang masaya sa isa’t isa sina Julia at Gerald base sa makikitang emosyon sa kanilang mga litrato. Komento nila:

“They look so happy”

“Awweee everything is falling into place”

Credit: @andersongeraldjr Instagram

“They look cute together”

“Wow im so inlove talage jurald happy lang kami bawal basher at bitter dito”

“awwwwww i lurve the 4th photo oh la love is in the air & ocean breeze”

Naging isa sa mga controversial couple sina Gerald at Julia dahil sa isyung panggho-ghost umano ng aktor sa kanyang huling nakarelasyon na si Bea Alonzo. Napabalita nga si Julia na dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Bea.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Kinumpirma ni Gerald ang relasyon nila ni Julia noong March sa isang tell-all interview ni Boy Abunda sa kanya.

Sa panayam, sinabi ni Gerald na siya ay masaya ngayon at si Julia ang nagpapasaya sa kanyang puso.